^

Pang Movies

Anak nina Mikee at Dodot Jaworski, pantapat kay Donny?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Anak nina Mikee at Dodot Jaworski, pantapat kay Donny?!
Robbie

May bagong addition ang Star Magic sa kanilang stars, si Robbie Jaworski, ang poging anak nina Dodot Jaworski at Mikee Cojuangco, at apo ng legendary Big J.

Pogi si Robbie at marami nga ang nagsasabi noon pa na dapat iyong maging model o artista, kaysa  sumunod sa tradisyon ng pamilya na maglaro ng basketball.

Malay ninyo baka maisipan rin nilang isama si Robbie kay Tanggol sa Batang Quiapo, malakas ang batak niyan.

Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa pagpasok ni Robbie sa showbiz, pero tiyak na ang maaapektuhan ay ang mga bagong matinee idols sa kanila gaya nina Donny Pangilinan, Darren Espanto at iba pa.

Jak, nganga!

Doon naman sa Kamuning, nasasayang ang ibang talents kagaya ni Jak Roberto na halos hindi na nakikita ngayon matapos nilang paghubarin at tawaging abs ng bayan.

Sayang din si Jak, pogi naman at may talent din pero mas pinapasikat nga ang love team ng girlfriend niyang si Barbie Forteza at ni David Licauco.

Ano nga ba ang next project ni Jak?

AiAi, ‘di na babawiin ang green card ni Gerald!

Ok naman pala si AiAi delas Alas. Sinabi niyang kahit na iniwan siya ng asawang si Gerald Sibayan, sa loob naman ng sampung taon nilang pagsasama ay naging mabuting asawa iyon sa kanya. Kaya hindi raw niya babawiin ang kanyang petisyon para sa Green Card nito para makapanatili sa America kung saan may trabaho na rin iyon.

Kung totoo nga ang suspetsa ng iba kaya madalian niyang iniwan si AiAi ay dahil magkakaroon na siya ng anak sa ibang babae, tiyak na naroroon iyon. Kung babawiin ni AiAi ang petisyon, mahihirapan din si Gerald lalo na sa paninindigan ngayon ng US President na si Donald Trump laban sa mga TNT (tago nang tago).

Mabuti naman at  naging maunawain din si AiAi, after all ano nga ba ang aasahan niya nang makapag-asawa siya ng tatlumpung taon ang bata kaysa sa kanya?

Enrique, hopia pa rin kay Liza!

Hanggang ngayo pala umaasa pa rin si Enrique Gil na makakagawa pa sila ng proyekto ni Liza Soberano. Pero kung minsan ang sobrang pag-asa matatawag nang ilusyon. Nangarap si Liza ng career sa Hollywood kaya nilayasan ang kanyang network Napeke na nga silang dalawa ni James Reid ng Koreanong nagsabing magagawa siyang isang malaking Hollywood star, pero hindi pa rin siya sumuko.

Kasi nga naman kahit na papano nakagawa siya ng isang B movie sa US. Pero maski na, nakasama na siya sa isang American movie na Lisa Frankenstein at para sa kanya siguro napakalaking bagay na iyon kaysa dito sa Pilipinas na bida nga siya, lagi naman siyang katambal ni Enrique na inaamin naman niyang hindi niya gusto ng ka-loveteam.

Pero sa kabila ng lahat, umaasa pa rin si Enrique dahil alam niyang si Liza ang buhay ng career niya.

MIKEE COJUANGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with