^

Pang Movies

Bulaklak ni Paulo kay Kim, kinumpara sa bigay ni Xian noon

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bulaklak ni Paulo kay Kim, kinumpara sa bigay ni Xian noon
Kim

Ang bongga naman ni Kim Chiu na nakatanggap ng bouquet of flowers galing kay Paulo Avelino nung Valentine’s Day.

Ipinost ng aktres ang litrato ng bouquet at makikita nga sa card na nakasulat ang “Kimberly” na tunay niyang pangalan.

Sa baba nga ng photo ay nagpasalamat siya at tinawag niya itong “boss” kung saan naka-tag ang ka-loveteam niya.

Sa sunod niyang post ay litrato niya na hawak ang mala­king bouquet at hindi kita ang mukha niya habang naka-peace sign siya at binati niya ang lahat ng “Happy Valentines Everyone!”

Marami ang kinilig sa mga bida ng My Love Will Make You Disappear movie.

Napansin pa nila na 8 a.m. pa lang ng umaga ay pinadalhan na ito ng bulaklak base sa post niya na mas nagpakilig sa fans nila. Ang aga raw magpakilig ni Paulo.

Tumatapang na nga raw si Kim dahil naka-tag na raw si Paulo sa kanyang post.

Pero may mga nag-nega rin namang netizen at pinaalalahanan pa nila ang aktres na nasa sitwasyon na naman siya na ayaw niya. Tingin daw kasi nila ay paaasahin lang ni Paulo si Kim.

Habang ang iba naman ay feeling daw nila ay promo lamang iyon para sa pelikula nilang malapit nang ipalabas.

Naalala rin nila ang napakalaking flowers na binigay ng ex ni Kim na si Xian Lim at kinumpara pa sa bigay ni Paulo.

 Wish nga nila ay umamin na ang dalawa sa relasyon nila, kung totohanan na nga.

‘Kaloka sila. Ba’t ba ayaw nilang umamin.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with