Sanya, natambakan ng bulaklak nung V-Day

Ang daming natanggap na flowers ni Sanya Lopez last Valentine’s Day, kaya lang, hindi nito sinabi at wala rin siyang clue kung kanino galing ang malalaki at magagandang bouquet of flowers.
Hindi rin nito ipinasilip ang nakasulat sa card.
May nagbigay rin ng cake sa kanya at cupcake.
Tanong ng fans niya kung kailan daw ba siya magbo-boyfriend dahil sayang ang ganda niya kung loveless pa rin siya hanggang ngayon.
May mga kinilig naman nang sabihin ni Tony Labrusca sa interview sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda na gusto niyang makatrabaho si Sanya.
Sana raw matupad ang wish ni Tony at sana, hindi lang sa trabaho sila magkasundo, pati na sa real life dahil bagay sila.
Anak nina John at Janice, magpo-produce na rin
Pinasok ng magdyowang Jake Vargas at Inah de Belen ang filmmaking at in-anounce nila ito sa guesting nila sa Family Feud. “Mag-i-start pa lang kami and we already have the main cast. Hindi pa namin puwede i-reveal kasi maloloka kayo,” sabi ni Inah.
Nabanggit din ni Inah na ang balak nila ni Jake, mauuna nilang i-distribute ang movie nila sa film festivals abroad bago ipalabas sa bansa.
Marami ang na-curious sa film project na ito ng magkarelasyon na obviously, sila ang mga producer. Hindi pa nila pinangalanan ang magiging director at doon naman sa cast, kasama kaya ang parents ni Inah na sina Janice de Belen at John Estrada?
Hindi rin nabanggit kung kasama sina Jake at Inah sa cast ng ipo-produce nilang movie na hindi pa rin nila na-share ang title. In fairness, kapag natuloy ito, ang dalawa ang maku-consider na youngest film producers in the country, kaya kailangan silang suportahan.
Michael at Raheel, unahan kay Jillian
Magiging magkaribal pa yata ang Sparkle actors na sina Michael Sager at Raheel Bhyria kay Jillian Ward dahil pareho silang nagbigay ng roses sa aktres at pareho ring pinost ni Jillian sa Instagram Story last Feb. 14.
May caption pa nga siya kay Raheel na “May biglang bumisita hehehe” at nakita sa camera na parang nahiya pa si Raheel. Kundi kami nagkakamali, nagkasama ang dalawa sa Abot-Kamay Na Pangarap at open ang upcoming actor sa pag-amin na crush niya ang young actress. Lagi rin itong naka-comment sa IG post ni Jillian.
Magkapareha sina Jillian at Michael ngayon sa My Ilonggo Girl, kaya madalas silang magkita ng aktres. Idagdag pa na may mga mall tour pa rin sila na malaking pabor kay Michael dahil nga mas nagkikita sila ng aktres kesa kay Raheel na kasama naman sa cast ng Mga Batang Riles.
Heto pa, after My Ilonggo Girl, parang magtatambal din sila sa pelikula.
Malapit na kasing magtapos ang series nina Jillian at Michael, hanggang March 7, 2025 na lang, dahil sa time slot ng MIG papasok ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
- Latest