Vic at Pauleen, papunta na sa dalawang dekada ang kasal
Nag-celebrate ng kanilang 13th anniversary ang celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto.
Sa Instagram, nag-post si Pauleen ng sweet message para kay Bossing Vic.
“13 years with the love of my life. I will always choose you in all the days of our lives. I love you! Sharing photos of us doing what we do best,” caption ni Pauleen.
Kinasal sina Vic at Pauleen noong Jan. 30, 2016. Nag-umpisa ang kanilang relasyon noong 2011. Ang mga anak nila ay sina Talitha at Thia.
Mikee, binuking ang pinagselosan ni Paul!
Siniwalat ni Mikee Quintos ang aktor na pinagselosan noon ng kanyang boyfriend na si Paul Salas.
Si Kelvin Miranda raw ang aktor na iyon na nakatambal ni Mikee sa teleserye na The Lost Recipe noong 2021.
“Sorry, babe, I love you! Don’t be mad! Oh my gosh, magagalit ‘yun!” tawa pa ni Mikee.
Pero good friends naman daw sina Mikee at Kelvin.
Going strong naman ang relasyon nina Mikee at Paul. Kaka-celebrate lang nila ng kanilang ika-3rd anniversary.
- Latest