Paolo, ‘di binibigyan ng importansya!
Nakaka-excite naman malaman kung ano ang naging resulta ng reaction ng produkto na gumagamit sa photos / video ni Paolo Contis. ‘Pag dedma sila talagang dapat na nga sigurong idaan ito sa legal.
Dahil siguro mabiro at masayahing tao si Paolo kaya akala nila hindi ito seryoso nang sabihing “I will consult my lawyer.”
Tandaan ninyo na tahimik lang si Paolo pero malalim siya sa pagharap sa mga problema niya.
Nagtataka nga ako na wala lang siyang kibo at ngiti lang ang sinasagot ‘pag tinatanong kung anong nangyayari sa career niya.
Isa lang napansin ko, parang sa GMA stars na na member ng Sparkle parang hindi masyado ang importansiya na ibinibigay kay Paolo.
Mahusay at very professional actor siya. Kung anuman ang nagawa niya sa private life niya, dapat nakabukod iyon sa pagkilala sa kanya bilang actor. Bigyan natin siya ng premium as an actor at huwag na nating isali ang mga ginagawa niya as a private person.
Sayang ang talent niya kung dahil lang sa mistakes na nagawa niya sasabihing negative siya. Paolo as a person is a very nice and sincere person. Take him as that, huwag nang isali sa mga bagay na hindi naman dapat isali. Hindi bongga.
- Latest