Michelle, susubok sa Miss Grand International
Mukhang hindi pa tapos ang pageant journey ni Michelle Dee.
Sa social media ay biglang pinag-usapan ng pageant fans ang pagsali niya sa Miss Grand International.
Nagsimula sa pag-follow ni Michelle sa social media account ng Miss Grand International na pag-aari ni Nawat Itsaragrisil.
Sa X (formerly Twitter), pinost ni Michelle ang mga salitang “what if….” and “Never say never.” Kaya nag-stir ito ng curiosity sa netizens na baka nga gusto niya ulit rumampa bilang pageant contestant.
Kung totoo man ito, this will be the third time na ire-represent niya ang Pilipinas. Umabot siya sa Top 12 sa Miss World in 2019 at napasama sa Top 10 sa Miss Universe in 2023.
Ruru, hasa na sa arnis!
Happy si Ruru Madrid dahil bago matapos ang 2024, may nagawa pa siyang magandang pelikula na official entry pa sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) na Green Bones.
First time na magkaroon ng MMFF movie si Ruru at kasama pa niya ang iniidolo niyang si Dennis Trillo. Lalo pa raw nai-inspire ang Sparkle actor sa patuloy na pag-improve niya bilang aktor.
“Napakasarap sa puso and nakaka-humble and para bang hindi nasasayang lahat ng mga pinaghihirapan at hardwork na ginagawa ko,” sey ni Ruru.
Nag-pictorial na rin siya kasama ang cast para sa season 2 ng Lolong. Nag-training na ulit ang aktor kasama sina Paul Salas at Martin del Rosario gamit ang iba’t ibang armas tulad ng arnis, baston, palakol at punyal.
Cher, nilantad sa libro ang panloloko at pangongontrol ng mister
Sa nilabas na libro ng music icon na si Cher na Cher: The Memoir, Part One, kinuwento nito ang masalimuot na pagsasama nila noon ng singer-husband na si Sonny Bono. Kinasal sila in 1964 at nag-divorce in 1975.
Pag-amin ni Cher na naisip niyang mag-suicide ng ilang beses dahil sa pagiging unfaithful at controlling ni Bono.
“There I was, twenty-six years old and in what had become a loveless marriage… He just lost interest. I stepped barefoot onto the balcony of our suite and stared down. I was dizzy with loneliness. I saw how easy it would be to step over the edge and simply disappear. For a few crazy minutes I couldn’t imagine any other option. Until I realized, I don’t have to jump off, I can just leave him.”
After divorcing Bono, nagpakasal si Cher sa musician na si Gregg Allman, whom she divorced in 1978 after niyang malaman na gumagamit ito ng heroin.
Bono died in a ski accident in 1998, while Allman died from cancer in 2017. Dalawa ang naging anak ni Cher na sina Chaz Bono (55) at Elijah Blue Allman (48).
- Latest