Female TV host, grabe ang ginagawang pang-aapi sa mga katrabaho
Kaloka nanganganib na raw mawalan ng morning show ang isang TV host dahil sa pagiging bully, mapang-api, maarte, etc., etc.
Yup, ganito raw kalala ang ugali ng female TV host na ito.
In fact, mga sampung executive producer na raw ang humawak ng programa na si female host ang isa sa mga poste nito dahil wala raw talagang nagtatagal na katrabaho ito.
Hindi raw kasi kinakaya ang attitude ni female TV host ng mga nakakatrabaho.
Kaya naman pikon na raw ang ilang executive ng network sa nasabing TV host.
Eh buti sana kung malakas daw ang programa nito. Eh, laylay raw ang rating nito.
Kaya ‘wag daw magtaka ang TV host kung any moment ay titigbakin na ang nasabing programa.
Awwss.
May chance pa bang bumait ang TV host?
Sa totoo lang, nakilala kong mabait ang TV host na ito. Ba’t kaya nag-iba siya ng ugali?
- Latest