^

Pang Movies

Niño, humagulgol sa Senado!

Vinia Vivar - Pang-masa
Niño, humagulgol sa Senado!
Niño Muhlach

Napanood namin ang pagbe-breakdown ni Niño Muhlach sa Senate hearing kahapon ng umaga (Wednesday, July 7) at bilang magulang din, ramdam na ramdam namin ang sakit ng loob ng ng aktor.

Dumalo si Onin sa first Senate hearing on policies of television networks, artist management agencies kaugnay ng alleged sexual harassment complaint ng anak niyang si Sandro Muhlach laban sa dalawang GMA ‘independent contractors’ na sina Jojo Nones and Richard Cruz.

Sa video na ipinost ng ABS-CBN, makikita na umiiyak ang dating child wonder sa hearing habang inilalahad niya ang nangyari sa anak.

Ayon kay Niño ay labis siyang nasaktan nang ikuwento sa kanya ng anak ang nangyaring diumano’y pang-aabuso ng dalawang “independent contractors” ng GMA network.

“Para makita mo ‘yung anak mo na nanginginig at hindi niya halos mahawakan ‘yung telepono niya,” umiiyak na sabi ng dating child wonder.

Aniya, ang isang akusado na si Jojo ay katrabaho pa nila ni Sen. Bong Revilla sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

“Siya po ‘yung head writer namin at sobrang galang ko sa kanya, sobrang respeto ko sa kanya. Pag may mga event kami, ako pa ‘yung unang lumalapit sa kanya at ‘Sir Jojo’ pa nga ang tawag ko sa kanya,” emosyonal pang wika ni Onin.

“Kaya hindi ko talaga matanggap na nagawa niya sa anak ko,” he added.

“Sobrang sama ng loob ko talaga kay Jojo Nones. Kung makita n’yo lang po ‘yung anak ko talaga, kung paano niya ikinuwento sa akin,” said Onin still in tears.

Hindi raw sa kanya unang ikinuwento ni Sandro ang nangyari kundi sa kapatid nitong si Alonzo Muhlach na dating child actor din.

“Sinabi sa akin ni Alonzo na sinabihan daw siya ng kuya niya na ‘bro, sana, ‘wag mangyari sa ‘yo ‘yung nangyari sa akin,’” ani Nino.

“Nakakasama lang talaga ng loob dahil kung kaya nilang gawin sa… hindi ko naman po binubuhat ‘yung aking bangko pero sa isang pamilya na talagang malaki na ang kontribusyon sa industriyang ito, what more sa iba? What more sa mga baguhan?” aniya pa.

Ngayon ay binabaligtad pa raw ng mga akusado ang mga nangyari. “Nakakasama lang ng loob na kung sino pa ‘yung may sala, ‘yun pa ‘yung nagagawang magbaligtad ng istorya,” he said.

Andrea, tagos ang kilig sa merch ng mga Oppa!

Kilig na kilig na ipinakita ni Andrea Brillantes ang merchandise ng South Korean actors na sina Kim Soo-hyun (Queen of Tears) at Byeon Woo-seok (Lovely Runner) na kanyang inorder.

“When your orders arrived na,” she wrote.

Mapapanood sa video ang binili niya na clothes hangers na may mukha ng nasabing dalawang iniidolong Korean actors.

Tuwang-tuwa ang aktres at para ngang tumama sa lotto sa sobrang kasiyahan.

Nasabi ni Blythe sa isang post niya na teenager pa lang siya ay fan na siya ni Kim Soo-hyun at tahimik lang daw siya tungkol dito dahil na-trauma nga raw siya nang i-bash siya ng fans nang i-reveal niyang fan siya ng isang sikat K-pop group.

Pero this time na matured na siya at kaya na niyang i-handle ang bashers ay magiging open na raw siya sa mga iniidolong Korean stars.

Naging fan naman si Blythe ni Byeon Woo-seok lately lang after watching his recent K-drama na Lovely Runner.

 

vuukle comment

NIñO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with