Anthony, may emote sa pagiging breadwinner!
MANILA, Philippines — Ano na kayang kapalaran ni Anthony Jennings sa 2025?
May hugot siya sa posting para sa pelikula nilang And The Breadwinner Is… na first movie sana nila ng tambalan ni Maris Racal.
Pero sa kainitan ng promo ng MMFF entry ng pinagbibidahang pelikula ni Vice Ganda, inilantad ng kanyang ex-girlfriend (Jamela Villanueva) ang landian nila ng ka-loveteam.
Kaya ayun hindi sila nakaeksena sa MMFF Parade at hindi na sila nag-promote ng pelikula.
Si Maris, piniling ‘mamundok,’ kasama ang mga kaibigan.
Post nga ni Anthony : “Tulad ng karamihan, maaga din po ako naging breadwinner kaya ramdam ko ang hirap at saya na bitbit nila araw araw.
“May mga araw diyan na mahirap kaya mahalaga sakin ang pamilya at ang mga kaibigan ko na pamilya ko na din kasi sa bawat problema na pinag dadaanan ko sila lang ang nag sisilbing sandalan ko na kahit anong mangyare palagi silang may paraan para mapasaya ako.
“Itong pelikulang “And The Breadwinner Is” talagang malapit sa puso ko. Poster palang maluha luha nako eh
“Ngayong pasko ito po ang aming pinaka malaking handog para sainyo. Sa mga breadwinner at sa bawat miyembro ng pamilyang Pilipino.”
- Latest