^

Pang Movies

Nanay ni Carlos Yulo, walang balak manahimik

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nanay ni Carlos Yulo, walang balak manahimik
Angelica

Parang teleserye rin pala ang buhay ng Olympics double gold medalist na si Carlos Yulo.

Sa nakamit na panalo, lumutang ang madir niya. Kalat na sa social media ang hanash ng nanay. Sangkot sa isyu niya sa anak ang current GF ni Caloy.

Isinisi ng ina sa GF na inilalayo nito ang anak. Bagay na itinanggi ng babae.

Pero nanatiling kalmado ang tatay ni Caloy. Ang magkaroon ng bon­ding at mapag-usapan ang anumang problema ang gusto niyang mangyari.

Sa panig naman ng batang Yulo, ang Ma’am Cynthia (Carreon) niya ang tumayong magulang niya na naniwala talaga sa kanya.

Kanya-kanyang opinyon ang naglabasan tungkol sa hinaing ng ina. Hiling lang nila, huwag munang i-spoil ang tagumpay ng anak dahil mapag-uusapan naman ang lahat nang sila-sila.

Kumonsulta na sa lawyer ni mother na si Atty. Fortun na planong sampahan ng kasong cyber libel ang naninira sa kanya sa socmed.

Balota sold out, Marian nagpakitang Gilas sa Cinemalaya

As expected, sold out ang lahat ng screenings ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera na Balota.

Puring-puri ang performance ni Yan sa unang araw nito kung saan suportado siya ng asawang si Dong (Dingdong Dantes).

Of course kakaibang character ang ipinamalas ni Yan sa movie at ang Balota raw ang nagpalutang talaga ng pagiging aktres niya at hindi ang mga nakaraan niyang pelikula!

Of course, sa every movie ni Marian, 100 percent ang ibinibigay niyang performance!

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with