^

Pang Movies

Rufa Mae, ‘di kinaya ng mga anchor

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rufa Mae, �di kinaya ng mga anchor
Rufa Mae

Wala pa rin talagang kupas ang pagpapatawa ng actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto.

Kahit ang Unang Hirit hosts ay hindi kinaya ang pagiging komedyante niya.

Naging guest ang aktres sa Kapuso mor­ning show at sinubukan nitong maging news anchor habang sinubukan naman ng kanyang kapwa anchor na si Susan Enriquez na pigilang huwag tumawa at manatiling straight face.

Sa Rufa Mae fashion ay aliw ang mga naging headline niya na, “Dalawang kalbo, nagsabunutan,” “Isang basurero nagsampa ng kaso, binasura,” at “Isang bahay na walang hagdan, inakyat!”

Hindi na nga kinaya ni Susan ang hindi matawa nang subukan nito na maging traffic reporter kung saan sinabi nitong “Go straight to the point, dire-diretso lang, go, go, go. Drive lang nang drive. At pag-drive ay nasa Cubao, ibabaw!”

Effortless daw talaga ang pagpapatawa niya ayon sa netizens na kahit seryoso na ay parang nagpapatawa pa rin.

Ganito kasi ang ginawa niya sa comedy reality show na kasalukuyang napapanood sa Prime Video na LOL: Last One Laughing kung saan host si Vice Ganda na may rule na bawal tumawa, ‘pag tumawa ay talo. At ang lahat ng kasali roon ay mga professional comedian na gaya nina Pepe Herrera, Chad Kinis, Empoy Marquez, Kim Molina, Jerald Napoles at iba pa, na pinagwagian ni Chad Kinis.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with