^

Pang Movies

Angelica, matagumpay ang operasyon sa balakang!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Angelica Panganiban

Sumailalim ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa hip surgery.

Pinakita niya sa kanyang vlog ang pagpapa-opera niya.

Sabik pala talaga siyang magpa-opera dahil gusto na niyang mawala ang sakit na nararamdaman na kanyang tiniis ng dalawang taon.

Maaalalang November nakaraang taon nang ibahagi ng misis ni Gregg Homan na na-diagnose siyang may avascular necrosis, o bone death.

“Namatay na ‘yung mga bones ko sa aking balakang kaya pala hirap na ako maglakad kaya ‘yung mobility ko ay hindi nasosolusyunan kahit pa anong gawin kong strengthening, so ayun, hindi na siya masosolusyunan,” kwento nito noon.

Pitong oras daw siyang inoperahan noong July 7.

Nanghihina raw siya noong nasa recovery room siya at hindi niya maipaliwanag ang sakit.

Bago ang surgery, sinubukan niya pa ang platelet-rich plasma treatment pero napansin nila na hindi pa rin naman siya gumagaling at mas lumalala pa ang sakit na nararamdaman niya.

Nagsuka pa raw siya nang uminom siya ng pain medicines at limping na raw siya maglakad noong nakaraang linggo.

Nagdesisyon na raw silang humingi ng second opinion at doon na napansin ng doctor na bumabagsak na ang kanyang kaliwang balakang kaya nagli-limp na siya at todo na ang kirot na nararamdaman niya at doon na ginawa ang cord decompression dahil ayaw siya nitong bigyan ng hip replacement.

Maaalala ring sinabi noon ng aktres na dahil daw ito kadalasan sa steroid abuse pero hindi naman daw siya atleta o body builder kaya pakiramdam daw niya ay ang malas lang niya. Awang-awa raw siya noon sa kanyang sarili kung bakit daw niya ito pinagdaraanan.

Pero umaasa raw siya na hindi na niya kailangan pang sumailalim sa hip replacement sa tulong ng proper therapy, care, and prayer.

Ginhawa na raw ang nararamdaman ng nanay ni Bean sa kanyang balakang. Natural daw na masakit pa pagkatapos ng operasyon pero bumubuti na raw ang pakiramdam niya at kailangan pa niyang mag-bedrest.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with