^

Pang Movies

Joshua at Julia, inamin kung paano nabuo ulit ang onscreen connection

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakapanayam ni Bernadette Sembrano sina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang mga bida ng Un/Happy For You, kung saan ibinahagi ng dalawa kung paano nila muling pinasigla ang kanilang onscreen connection bilang mag-ex sa totoong buhay sa Tao Po ngayong Agosto 18, 6:30 p.m.

Sa eksklusibong panayam, sinabi nina Joshua at Julia kay Bernadette kung paano sila nagkabalikan bilang onscreen partners at nagbahagi rin sila kung paano ang naging proseso upang muling maibalik ang kanilang natatanging chemistry.

Tampok din sa prog­rama ang UP Summa Cum Laude na si Ingrid Delgado, isang stroke survivor na nagawang malampasan ang kanyang pisikal at mental na mga hamon sa kalusugan. Ibinahagi ni Ingrid ang tungkol sa kanyang kuwento ng dedikasyon sa kapwa Iska na si Joyce Balancio.

Samantala, handog naman ni Kabayan Noli de Castro sa mga manonood ang kwento ni Sarah Jane Silvestre, isang fire survivor. Ang sunog na dulot ng sumabog na tangke ng LPG ay nagresulta sa kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang bayaw at isang kapitbahay na tumulong sa kanila sa aksidente. Bilang tugon sa sitwasyon, nagpaabot ng tulong pinansyal si Kabayan Noli kay Sarah Jane at sa kanyang batang anak.

Mapapanood ngayong Linggo (Aug. 18) ganap na 6:30 ng gabi sa Kapamil­ya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with