^

Pang Movies

Bianca at Ruru, kasal na?!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bianca at Ruru, kasal na?!
Ruru at Bianca

Ang sweet naman ng Kapuso couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali na nag-bonding kasama ang kanilang furbabies sa isang Bali-inspired villa sa Lubao, Pampanga.

Kasama nila ang kanilang pet dogs sa kanilang quick trip na isang Samoyed at isang Pomeranian.

Sinasamantala na siguro ng boyfriend ni Bianca ang kanyang pahinga bago ulit siya maging busy sa upcoming Metro Manila Film Festival movie entry na Green Bones kung saan makakasama niya si Dennis Trillo.

Habang si Bianca naman ay kasalukuyang ginagawa ang seryeng Sang’gre.

Makikita nga ang kaseksihan ng aktres sa litratong in-upload niya kung saan nakadapa siya na base sa kanyang mga naunang post ay pinaghahandaan niya ang serye. Marami nga ang humanga sa kanyang sexy back at pinare-reveal ang kanyang back workout.

Samantala, sa sobrang sweet nga ng dalawa ay sinabihan sila ng mga tagahanga na magpakasal na dahil para na talaga silang parents kasama ang furbabies nila.

Pero kapansin-pansin din ang komento ng netizens na kasal na raw talaga ang dalawa. Abangan na lang daw ang pagkumpirma ng dalawa at sinabing ang mga kapwa-INC lamang daw nila ang nakakaalam.

Magsalita kaya ang magkarelasyon tungkol dito?

Sinabi nga ng dalawa noon na wala raw sa plano nila ang mag-live in dahil sa kanilang relihiyon. Pero pinaghahandaan at napag-uusapan na rin daw nila ang kasal ngayong anim na taon na sila. Bongga.

vuukle comment

BIANCA UMALI

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with