^

Pang Movies

Nova, ayaw pumatol sa fake news

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

In our recent interview sa reyna ng komedya na si Nova Villa, klinaro na nito ang super duper throwback chismis sa kanila ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. na naging magkasintahan umano sila at nagkaroon pa ng anak.

In her over six decades in showbiz, matagal nang lumulutang ang intriga sa kanila ni FPJ na kahit kailan ay hindi umano niya pinatulan.

“Ba’t ko naman papatulan e hindi naman totoo,” katwiran niya.

Nagsimula ang tsismis kina FPJ at Nova nang siya’y kontratahin ng FPJ Productions to an exclusive three-year-five-picture contract when she was 16 years old.

Apat na pelikula ang pinagtambalan nila at kasama na rito ang isang movie with Susan Roces na expired na noon ang kontrata sa Sampaguita Productions.

First movie ni Nova with FPJ ay ang Daniel Barrion in 1964.

Aksidente lamang ang pagiging artista ni Nova. Nagkataon na kapitbahay umano nila noon ang komedyanang si Chichay. Isang araw ay isinama raw siya nito sa bakuran ng Sampaguita Pictures. Iniwan siya sandali ni Chichay habang siya’y nakapuwesto sa harap ng gate kung saan dumaraan ang mga artista.  Hindi nagtagal ay may dumating na guwapong nakaputing Cadillac at nagkati­nginan umano sila. Maya-maya lamang ay may mamang lumapit sa kanya at tinanong kung sino ang kanyang kasama at sinabi niyang si Chichay. Hindi nagtagal ay bumalik ‘yung mama na kasama na si Chichay at saka siya tinanong kung gusto umano niyang mag-artista na agad naman niyang sinang-ayunan nang hindi man lamang kinuha ang consent ng kanyang magulang. ‘Yung mamang lumapit sa kanya ay production manager pala noon ni FPJ.

And the rest is history kumbaga.

Nanatiling aktibo sa showbiz si Nova na tumanggap kamakailan ng ICON Award sa Entertainment Editors’ Choice or 7the EDDYS.

Icon in all sense of  the word naman talaga, isang Icon si Nova.

vuukle comment

NOVA VILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with