^

Pang Movies

Zanjoe, nagsalita sa pagbubuntis ni Ria

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Zanjoe, nagsalita sa pagbubuntis ni Ria
Zanjoe Marudo at Ria Atayde

Nagbigay na rin ng pahayag si Zanjoe Marudo hinggil sa pagdadalang-tao ng kanyang misis na si Ria Atayde sa kanilang first baby.

Sa Instagram account ni Z ay makikita ang kanyang pa-tribute sa ina ng kanyang magiging anak.

Nag-post ang aktor ng sweet photos nila ni Ria together kalakip ang short but sweet caption.

“Motherhood. Our baby and I are both so lucky to have you,” mensahe ni Zanjoe sa misis.

Matatandaang nitong Father’s Day (June 16) ay inanunsyo ni Ria ang kanyang pregnancy by showing her baby bump kasabay ng pagbati sa mister.

“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you. Happy first Father’s Day!” ang caption ni Ria.

Bela, ‘di nakatiis sa fake wedding

Hindi ikinatutuwa ni Bela Padilla ang katakot-takot na congralutory messages na natatanggap niya ngayon matapos kumalat ang balita sa online world na ikinasal na siya sa Swiss boyfriend na si Norman Bay.

Paano nga naman siyang matutuwa eh, hindi naman totoo ang balita at single na single pa rin siya hanggang ngayon.

Ito ang nilinaw ni Bela sa kanyang social media accounts kahapon matapos mag-upload ang isang vlogger sa YouTube ng balitang ikinasal na sila ng boyfriend;

Actually ay napanood din namin ang YouTube video na ‘yun kung saan ay nakasuot pa ng wedding gown si Bela at kung hindi ka pamilyar sa mga ganap sa showbiz ay iisipin mo ngang totoo.

Anyway, ani Bela sa kanyang Instagram Story, “nothing to ruin your day like getting congratulatory messages from your people you know cause a YouTube account keeps posting click bait videos that you got married.”

Paglilinaw pa ng aktres, “not married yet, guys. Save the congratulations for another day.”

Sa kanyang X account ay inirepost ni Bela ang nasabing fake wedding news at sa caption ay nilinaw niyang eksena raw sa isang teleserye niya ang video na nakasuot siya ng wedding gown.

“Can we all please report this account that keeps spreading fake news. That clickbait photo is from a teleserye scene,” ani Bela.

“Not married. Stop congratulating me guys (laughing with tears emoji),” tweet pa ng aktres.

 

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with