^

Pang Movies

Panday, kasamang inilibing ni Carlo Caparas

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Panday, kasamang inilibing ni Carlo Caparas
Bong at CJ

Nang ilibing si direk Carlo Caparas sinabi ng kanyang anak na si CJ na siya ang talagang Panday. Kaya nga’t ang espada ng panday ay isinama sa kanyang huling hantungan. Hindi namin alam kung ang ibig sabihin noon ay hindi na nga madudugtungan pa ang kuwento ng Panday.

Ang orihinal na Panday ay ginawa sa pelikula ni FPJ at iyon ay naging matagumpay talaga. Naka-ilang pelikula ng Panday si FPJ at kung may madagdag man sa kuwento, buhay pa si Carlo at maaaring siya rin ang nagdugtong ng kuwento.

Pagkatapos noon gumawa rin ng Panday si Bong Revilla, si Jinggoy Estrada at ang huli ay si Coco Martin na sinasabi nga ng ilan na masyadong malayo na ang kuwento sa orihinal, at bagama’t nanatili ang pangalan ng characters.

Parang naiba na sila at masyadong gumamit ng CGI sa kabuuan ng pelikula. Maganda sa paningin ng iba dahil makabago na ang teknolohiya, pero sa fans ng original na Panday ay kapos iyon. Maganda ang visuals pero napabayaan ang kuwento.

Isa pa, nagtapos iyon nang nakasakay sa motorsiklo ang Panday, hindi sa isang kabayo, at nakipaghabulan sa mga diablo sa loob ng LRT.

Iba na kasi ang takbo ng panahon ngayon kaya ibinabagay rin nila.

Pero kung noong buhay pa si Carlo ay binabago na ang kanyang kuwento at nalalayo na sa tunay na character, ngayon pa kayang wala na siya? Wala na rin ang original at pinakamatagumpay na Panday, si FPJ. Bakit pa nga ba itutuloy, kaya inilibing na rin nila kasama ni Carlo ang espada ng Panday.

Nabanggit na rin lang ang Panday, bakit nga kaya wala tayong nabalitaang restored version ng mga pelikula ng Panday. May nakuha kami niyan noon sa DVD pero napakalabo ng film transfer.

Ang serye ng mga pelikulang iyan ni FPJ ang dapat na mapanood ng mga kabataan sa ngayon.

Ang alam namin ang mga orihinal na kopya ng pelikulang iyan ay nasa FPJ studios pa, dahil si FPJ ang may-ari ng television at video rights ng lahat ng kanyang mga pelikula. Bakit kaya hindi ipadala iyan sa mga restorer kaysa ang inire-restore ay mga walang kuwenta ring pelikula?

Pagsasalita ni Kim, ginagaya na rin

Natawa kami sa isang video na nakita namin sa internet kung saan may isang Chinese na pinag-aralan ang pagsasalita ni Kim Chiu ng kanilang wika.

Nagsalita si Kim ng wikang Fookien na siyang karaniwang salita ng mga Intsik sa Pilipinas tapos nagsalita rin siya ng Mandarin na siyang national language ng China.

Sinabi ng vlogger na mas magaling si Kim sa Fookien pero pinansin niya ang abbreviated words na hindi talaga Fookien kundi mga salitang naimbento na ng mga Chinoy sa PIlipinas.

Sa Mandarin sinabi niyang pasado na si Kim pero halatang hindi niya gaanong kabisado iyon, pati na ang himig ng pagsasalita.

Lumaki naman kasi si Kim sa Cebu City at nakapag-aral naman kaya marunong siyang magsalita. Siguro iba ang sitwasyon at naging makakalimutin na rin siya kung namuhay siya sa “farm.”

Sikat ngayon ang mga Chinese sa hindi magandang imahe dahil nga kay Mayor Alice Guo.

vuukle comment

CARLO CAPARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with