^

Pang Movies

Coco, mabilis na sumugod sa bahay ni Jaclyn

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Coco, mabilis na sumugod sa bahay ni Jaclyn
Coco Martin

Linggo ng gabi nang tawagan kami ng kaibigang si Jeff Fernando at tinatanong kami kung ano na ang balita sa tsismis na namatay ang aktres na si Jaclyn Jose.

Sabi niya marami na raw imbestigador ng SOCO na naroroon sa condo nito.

Nakumpirma rin matapos ang isang oras kung ano ang nangyari.

Ang sabi naka-day off daw ang yaya ni Jaclyn noong weekend kaya naiwang nag-iisa ang aktres sa kanyang tahanan sa Loyola Grand Villas.

Nang magbalik daw ang yaya niya araw ng Linggo, nakita na lang na nakalugmok si Jaclyn tila nadulas, tumama ang ulo at ayon sa description ng yaya ay medyo maitim na ang bangkay ng kanyang amo.

Sinabi ng mga naunang imbestigador na maaaring nangyari iyon noon pang sinundang araw kaya maitim na ang bangkay nang makita nila.

Hindi siyempre maiiwasang gumawa muna ng imbestigasyon kung mayroon nangyaring foul play

Pero wala namang nakitang palatandaan.

Hindi naman daw nagulo ang alin man sa mga gamit sa bahay. Nasa tamang puwesto pa rin ang lahat, ibig sabihin walang traces of struggle. Kaya may sapantaha silang nadulas lamang siya at nabagok ang ulo dahil bukod doon ay wala namang nakitang ibang injury ang dumating na medico legal.

Sinabi rin ng Medico Legal na ilang oras nang patay si Jaclyn nang makita, posibleng nangyari nga ang aksidente ng sinundan pang araw.

Ginagawa naman ng pulisya ang lahat at nakitang agad na dumating sa bahay ni Jaclyn sina Coco Martin at Cherie Pie Picache.

Si Jaclyn ay kapatid ng dating artistang si Veronica Jones.

Pero kahapon ay sinabi ng anak nitong si Andi Eigenmann na pumanaw ang kanyang ina dahil sa atake sa puso.

Mga tauhan ng TAPE, nagluluksa rin

Sinasabing 130 manggagawa ang nawalan na naman ng trabaho nang tuluyan nang isara ng TAPE Inc. ang Tahanang Pinakamasaya. May mga studio audience na sinabing nahulaan na nila noon pa mang Sabado na isasara na ang tahanan habang nagpapa-alam sina Yorme at Paolo Contis na nagpasalamat na sa mga advertiser at supporter nila, habang nakitang umiiyak naman ang ibang mga host ng programa.

Ang ipapalabas daw ng GMA sa linggong ito ay mga replay lamang ng Tahanang Pinakamasaya, dahil binawalan naman sila ng korte na gamitin ang Eat Bulaga at maging ang mga show noon na nasa kanila pa ang videos.

Pero ngayon ang umuugong ay baka daw gawin na nilang noontime show ang TicTok Clock o ilalagay na sa mas maagang time slot ang kanilang mga afternoon drama.

Male starlet, nakahanap ng bagong raket

May bago na palang sideline ngayon ang isang male starlet.

Isang kaibigan namin ang nagkuwento na ang male starlet daw ay nakuha nila bilang guest sa isang shower party at pumayag iyong magsayaw nang hubo’t hubad sa harap ng mga guest, basta wala lang daw camera na kukuha ng litrato o video niya habang nagsasayaw nang nakahubad.

Tatlong sayaw daw ang kanyang ginawa at sa huli ay may ginawa pa siyang “Bonus”.

Para sa lahat nang iyon ay binayaran siya ng 20 libong piso.

Mas magandang hanapbuhay nga naman iyan kaysa sa mga ginagawa niyang indie film.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with