Clint at Tom, minalisyahan!
Bakit naman ginagawang issue ng mga tao na wala raw ibang fina-follow ang modelong si Clint Bondad sa kanyang social media account kundi ang actor na si Tom Rodriguez.
Siyempre kung anu-ano na naman ang naiisip ng mga malisyoso pero ano ang malay ninyo kung may negosyo sila?
Ano ang malay ninyo kung may mga plano sila sa buhay nila at kung talagang magkaibigan sila dahil pareho naman silang naging modelo.
At saka ano nga ba ang pakialam ninyo kung walang ibang fina-follow si Clint kundi si Tom? May epekto ba iyon sa inyong buhay o talaga lang gusto ninyong mag-uzi sa buhay ng may buhay?
Nora, malubha na ang sakit?!
Hindi nga nagkaroon ng anumang birthday celebration ang 71 years old na si Nora Aunor, at hindi rin siya natuloy na nagpunta sa Cannes Filmfest kung saan sinasabing ipapalabas ang isang luma niyang pelikula.
Ayon kay Nora, hindi raw siya pinayagan ng kanyang doctor dahil sa kanyang karamdaman, baka raw hindi na niya makaya ang isang mahabang biyahe.
Ganoon na ba kalubha ang sakit ni Nora para hindi na niya makayanan ang mahabang biyahe?
Nauna rito sinasabi nilang kailangang sa business class ang kanyang ticket at may kasama siyang isang nurse para kung magkaroon man ng emergency, at kailangang may baon na rin silang oxygen.
Ngayon umaasa siya na ang Bona, tutal may isa nang restored version ay maipalabas na muli sa mga sinehan dahil sa kanya pa naman daw ang rights noon para sa Asia, pero saan ilalabas iyon?
Sino naman ang magbabayad ng halos P400 para mapanood na muli ang Bona?
Mga starlet, nganga sa sinehan
Kumikita sa ating mga sinehan ang malalaking pelikulang Ingles na halos sunud-sunod na ipinalalabas ngayon. Pero duda sila sa mga pelikulang Pilipino na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.
Sino ang magbabayad ng P400 piso sa panonood ng mga artistang hindi naman nila kilala?
Ang mga ganyang pelikula ano mang advocacy ni Vilma Santos na mapabalik ang mga tao sa sinehan ay ‘di papansinin. Dapat sa ganyang mga pelikula, sa internet streaming platforms na lang.
- Latest