^

Pang Movies

Sharon, may pakilig sa birthday ni Gabby

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon, may pakilig sa birthday ni Gabby
Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

Gabby Concepcion is celebrating his birthday today, November 5, kaya naman may pasabog na birthday cake sa kanya ang ex-wife na si Sharon Cuneta nitong nakaraang Nov. 2 show nila sa Canada.

As we all know, kasalukuyang nasa US & Canada tour pa sina Sharon and Gabby para sa kanilang Dear Heart concert.

Sa mga reels na ibinahagi ni Sharon sa kanyang Instagram Story ay makikitang binigyan niya ang ex-husband ng birthday cake sa stage at touched na touched naman ang aktor.

“Thank you very much talaga. Kaya love na love kita, eh,” sey ni Gabby kay Sharon at saka niyakap niya ito.

Sagot naman ni Sharon, “I know, yeah, right?”

Maririnig naman sa background ang sigawan ng audience na halatang kilig na kilig.

Sa isang video naman ay mapapanood na muling nagpasalamat si Gabby kay Sharon dahil nag-imbestiga raw siya at nalaman niyang kay Megastar talaga galing ang cake at hindi sa produksyon.

“Wala na naman sa script ‘to, ha? Maraming salamat do’n sa cake na ibinigay mo sa akin. Nag-imbestiga ako do’n sa likod. Hindi galing sa production. Galing talaga sa kanya (Sharon),” sabi ni Gabby.

Kinilig na naman ang crowd. At mas kinilig pa sila sa sagot ni Sharon.

“Oo naman, binigyan mo ako ng anak,” sey ni Shawie.

In fairness, base sa videos ay mukhang good friends na talaga sina Sharon and Gabby and hopefully, pagbalik nila ng Pilipinas ay magtuluy-tuloy na ito.

Claudine, bumwelta

Sinagot ni Claudine Barretto ang mga pangba-bash sa kanya ng mga netizens na nagdududa sa suporta niya kay Rita Daniela na nagsama ng reklamong acts of lasciviousness sa aktor na si Archie Alemania.

Matatandaang ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram account ang screenshot ng video call nila ni Rita na makikitang umiiyak habang kausap niya.

Sa caption ay sinabi ni Claudine na susuportahan at poprotektahan niya si Rita. Hinamon pa niya si Archie na siya ang harapin at pinayuhan ang aktor na mag-apologize na lang ito.

Nabanggit din ni Claudine na tulad ni Rita ay naging biktima rin siya maraming taon na ang nakararaan.

 “I will always protect anyone who is going through this for i myself was a VICTIM YEARS AGO! Rita u are strong & loved. God hears u.i am HERE FOR YOU!!!” saad ni Claudine.

Sa comment section ay marami ang pumuri kay Claudine pero meron ding nagdududa at kinukuwestiyon ang kanyang intensyon.

Saad ng isang netizen, ‘We know that you have a very good and genuine heart, Ms. Claudine pero sana naman po di nyo na pinopost mga gantong bagay lalo na yung pic ni ms rita dyan, since sensitive na bagay ang napag-uusapan. Sana alam nyo po ang salitang privacy, PUBLIC FIGURE pa naman po kayo.”

Hindi naman ito pinalampas ni Claudine at sinagot niya ang netizen.

 “Thanks for you’re concern.nasa social media na lahat.Yes we are public figures.kaya ang daming Rape at molestation sa mundo dahil sa mga tao who turns a blind eye,” sey ng aktres.

Aniya pa, “WE SHOULD SPREAD AWARENESS ABOUT SENSITIVE TOPICS IF NOT ANO SILBI NATIN SA BUHAY? SORRY PERO SI @missritadaniela LANG ANG MAY POWER TO TELL ME TO STOP.

“Pls don’t condone these wrong doings kaya sila dumadami dahil sa mga tao baluktot mag isip.KUNG KAYA GAWIN SA MGA ARTISTA ANO PA KAYA KARANIWANG TAO?”

May nagtanong din kay Claudine kung sino ang nang-abuso rin sa kanya noon at ayon sa aktres ay saka na niya ito ire-reveal.

 “Someday soon sweetheart i’ll will tell my truth.can we all just luv & protect & be compassionate towards each other thank you ,” pahayag ni Claudine.

 

 

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with