^

Pang Movies

Nora, may pelikula pang ‘di pa napapalabas

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nora, may pelikula pang �di pa napapalabas
Nora Aunor

Simpleng birthday celebration ang naganap sa National Artist at superstar na si Nora Aunor last May 21.

Ayon sa malapit kay Nora na si Rodel Fernando, bago ang kaarawan nito eh nakatanggap siya ng magandang regalo kaugnay ng pelikulang ginawa na Bona na muling ipinalabas sa Cannes Classics.

After 30 years ay ipinalabas ang restored version nito na pinagbidahan ni Ate Guy at prinodyus. Pinasalamatan niya ang loyal fans at pati naging bahagi ng Bona gaya ng pumanaw na director niyang si Lino Brocka.

Kahit gustong pumunta sa Cannes ni Ate Guy, hindi siya pinayagan ng kanyang doctor na bumiyahe lalo na’t mahaba ang biyahe patungo sa Cannes. Gayunpaman, nagpasalamat siya sa mga tao at ahensiyang nagpaabot ng interes upang tulungan siyang makabiyahe sa Cannes.

Nais ng superstar na panoorin ng kabataan ngayon ang Bona at tumaya sa bagong talents, ibang kuwento gaya ng kuwento ng klasikong pelikula.

May ilan pang pelikulang nagawa si Nora na hindi pa naipalalabas gaya ng Pieta kung saan nakasama niya ang magaling ding aktres na pumanaw, si Jaclyn Jose.

Miss U Ph, may delayed telecast

Love for all ang tema ng Miss Universe Philippines 2024 na mapapanood sa Linggo, Mayo 26, ang coronation night na may delayed telecast sa GMA Network at 9 a.m.

Cultural diversity, compassion for children and animals, LGBTQ+ rights, environmental stewardship, women’s empowerment, support for the creative industry and solidarity with migrant workers ang tema ng pageant.

Hosts sa Miss U PH sina Alden Richards, Gabbi Garcia, Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel at eventologist Tim Yap.

Magiging representative ng bansa sa Miss Universe pageant at si Michelle Dee na reigning Miss U PH ang magkokorona sa masuwerteng kandidata.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with