^

Pang Movies

Ruru, bumigay ang katawan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ruru, bumigay ang katawan
Ruru Madrid

MANILA, Philippines — Sumugod sa ospital si Ruru Madrid pagkatapos ng kanyang taping noong isang gabi dahil ilang araw na raw masama ang kanyang pakiramdam.

“Last night, kinailangan kong dumiretso sa E.R from taping… dahil ilang araw na akong may trangkaso, masakit ang lalamunan at hirap magsalita,” kwento ng bida ng Black Rider sa kanyang Instagram.

Ayon sa doktor ay kailangan daw niyang magpahinga at binawalan muna siyang magtrabaho.

“Sinabihan ng Doctor na kailangan daw ng maayos na pahinga para sa mabilis na recovery. Meaning, pause muna sa trabaho,” aniya.

Kaya kahit gustuhin man daw niyang mag-taping the following day ay hindi na niya nagawa dahil hindi siya pinayagan ng doktor.

“Nakakalungkot na sa araw na ito, mayroon po sana akong trabaho… pero hindi po ako pinayagan ng Doctors gawa ng baka lalo daw po lumala ang nararamdaman ko at mas marami pang commitments ang hindi mapuntahan.”

Ayon pa sa aktor, parang nadurog daw ang puso niya nang makita niya sa isang post na ine-expect siyang makita ng mga tao sa isang commitment na hindi niya nasipot. Kaya naman labis-labis ang paghingi niya ng paumanhin.

“I feel bad na kailangan po umabot sa ganitong sitwasyon at naapektuhan ang trabaho. Kanina when I checked my phone nakita ko ang isang post sa commitment ko today ng mga taong nag eexpect po na makita po ako… at parang dinudurog ang puso ko na hindi ako makakapunta. Gusto ko po humingi ng paumanhin… gusto ng isip at puso ko na makapagpasaya at mapunan ang trabahong naipangako, pero hindi na po kinakaya ng katawan. Kailangan pakinggan at unawain ang kalusugan,” pahayag ng aktor.

Nangakot naman si Ruru na magpapagaling agad para makabawi sa kanyang pagkukulang.

Sa huli ay pinasalamatan ni Ruru ang girlfriend na si Bianca Umali sa pag-aalagang ginawa sa kanya na aniya ay sobrang nagpakilig sa kanya.

“May isang tao nga pala ang nagparamdam ng sobrang pagmamahal sa akin, hindi ko alam kung nag cchills ako dahil ba sa sakit o sa Kilig Pero salamat sa taong sumalubong sa akin sa E.R, nagasikaso ng mga papers, nagdala ng pagkain, nagpuyat at nagalaga sa akin. Mahal na mahal kita kita Isadora, salamat sa napakasarap na pagmamahal na hinding hindi ko pagpapalit kailanman,” sey ng aktor.

Ang Isadora na tinutukoy ni Ruru ay si Bianca dahil ang tunay na pangalan ng aktres ay Maria Isadora Bianca Soler Umali.

Eric at mga kapatid, sustentado pa rin ng amang si Dolphy kahit nasa libingan na

Ibinahagi ni Eric Quizon sa kanyang panayam kay Ogie Diaz kung paano nila pinaghati-hatiang magkakapatid ang mga naiwang properties ng yumaong amang si Comedy King Dolphy.

Ayon kay Eric, noong time na nagkasakit na ang kanilang ama ay inayos na raw nito ang lahat ng mga dapat hatiin at ibinigay na raw ang kani-kanilang parte.

Pero of course, may mga naiwan pa ring properties at siya raw ang itinalaga ng kanyang ama na maging executor ng estate nito.

Labing-walo silang magkakapatid at lahat sila’y pantay-pantay daw ang naging hatian dahil ‘yun ang gusto ng daddy nila.

“Ang nangyari kasi nu’n, ang daddy ko, before that happened, nu’ng nalaman na niyang may sakit siya, ang ginawa na niya is binigyan na niya kami lahat.

“That’s why, nu’ng dumating ‘yung last few months niya, before he died, may mga natira na lang na properties, ta’s ‘yun na lang ang pinaghati-hatian,” kwento ni Eric.

Ibinilin din daw ng kanilang ama na huwag silang mag-away-away na magkakapatid sa mana.

“Of course natural lang ’yung mayroong diskusyon na ‘bakit gano’n? Dapat mas mataas ‘yong presyo. Dapat ganito, dapat ganyan.’ But in the long run, somehow, we managed to agree on everything that is laid upon us,” aniya.

At kahit nga raw 11 years nang yumao ang kanilang ama, nakapagpro-provide pa rin ito sa kanilang magkakapatid dahil nga sa properties na naiwan nito.

“Kasi every month, may nakukuha ‘yung mga kapatid ko. Kamukha niyan, ‘yung Dolphyville, ‘yung subdivision namin sa Calatagan (Batangas), so siyempre, pandemic, kinakabahan kami lahat dahil walang source of income, ‘di ba?” aniya.

Ang ginawa raw nila ay nagbenta sila ng properties sa Calatagan kaya may nakukuha pa raw hanggang ngayon ang mga kapatid niya.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with