^

Pang Movies

Saab, pinagmalaki ang na-achieve ng anak na may cerebral palsy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Saab, pinagmalaki ang na-achieve ng anak na may cerebral palsy

May panibagong milestone ang ‘miracle boy’ nina Saab Magalona at Jim Bacarro na si Pancho.

Ibinahagi nung nakaraang buwan ng anak ni Francis M na natanggap na sa isang regular school si Pancho. Isinilang ito ni Saab na may cerebral palsy.

Kaya naman naging emosyonal siya kamakailan nang magkuwento siya tungkol sa first day nito sa school. Hindi raw niya mapigilang maiyak matapos niyang ihatid ito.

Hindi raw niya maiwasang mag-alala noon sa anak kaya naisip na sa bahay na lang nila ito dahil sa kanyang birthing trauma.

Natatakot siyang may masamang mangyari rito habang wala siya.

“As a mom with birthing trauma, I was skeptical and I thought of all the excuses for him to just stay home… He’ll be safe if he’s just at home… What if something happens and I’m not there?”

Na-realize naman daw niya kung ano ang makabubuti para sa kanyang anak.

Kung noon ay natatakot siya, ngayon ay excited siya para kay Pancho.

Dagdag niya, “It’s been a struggle but I know in my heart this is what’s good for Pancho. This is good for me and Jim, too… I started out skeptical, now I’m excited.”

May isa pang anak sina Saab at Jim na si Vito na kanilang bunsong anak.

vuukle comment

SAAB MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with