Gerald, pinagtanggol ng mga kaibigan sa mga akusasyon ni AiAi!

Alam mo, Salve A., marami sa ating mga undocumented na mga kababayan sa Amerika ang natatakot sa kanilang pananatili sa Amerika kahit matagal na silang namimirmihan doon dahil sa direktiba ng bagong upong presidente na si Pres. Donald Trump na pauwiin sa kani-kanilang mga bansa ang mga illegal na naninirahan sa Amerika.
Samantala, isang malapit sa ex-husband ni AiAi de las Alas na si Gerald Sibayan (sa Amerika) ang nagsabi sa amin na hindi umano ito masamang tao at manggagamit tulad ng gustong palabasin ng kanyang ex-wife, ang comedy queen na si AiAi.
Hindi umano natin alam ang totoong kuwento kung bakit nagkahiwalay ang (dating) mag-asawa na tumagal ang pagsasama sa loob ng sampung taon.
Tinatanggap na lamang umano ni Gerald ang masasakit at masasamang akusasyon laban sa kanya sa ikatatahimik ng lahat kahit siya ang lumalabas na masama.
Mccoy, may nabuking
Ngayong Feb. 20 ay ika-30th birthday ng dating member ng all-male dance group na Hashtags ng noontime show na It’s Showtime na si McCoy de Leon.
Naging bahagi rin siya ng reality program na Pinoy Big Brother: Lucky 7 nung 2016 bago siya naging isang naging magaling na actor sa two-year-old hit action drama series na FPJ’s Batang Quiapo kung saan siya gumaganap bilang isa sa mga villain na si David Dimaguiba.
Kahit mismo si McCoy ay hindi makapaniwala na kaya niyang makipagsabayan sa acting hindi lamang sa lead star ng serye na si Coco Martin kundi maging sa ibang veterans.
Thankful si McCoy kay Coco at sa bumubuo ng production team dahil hanggang ngayon ay bahagi pa rin siya ng serye kahit nabuking na ni Ramon (Christopher de Leon) na siya’y impostor lamang ni Tanggol, ang character na ginagampanan ni Coco na siya niyang tunay na anak.
Matapos ang grand 2nd anniversary celebration ng FPJ’s Batang Quiapo, tumatakbo na ngayon ang serye patungo sa kanilang ikatlong taon. Although marami pa rin sa mga original cast ay bahagi pa rin ng serye tulad nina Christopher de Leon, McCoy de Leon, Tommy Abuel, Charo Santos-Concio, Cherry Pie Picache, John Estrada, Direk Joel Lamangan, Pen Medina, Susan Africa, Allan Paule at iba pa, marami na namang bagong karagdagan sa cast ang kasama tulad nina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Albert Martinez, Albie Casiño, Juan Rodrigo, Angel Aquino, Paolo Paraiso, Gillian Vicencio, Sharmaine Buencamino, Michael de Mesa, Dante Rivero, Chanda Romero at Celia Rodriguez na lalong magpapatingkad with their respective new characters sa serye.
Marami ngayon ang nagtatanong kung kaya bang pantayan ng Batang Quiapo ang tagumpay na inabot ng FPJ’s Ang Probinsyano na umabot ng pitong taon. Ngayong papunta na ang serye sa kanilang ikatlong taon at patuloy pa ring namamayagpag sa ratings, hindi ito malayong mangyari.
Marami namang artista na napapabilang sa mga serye ni Coco ang nagpapasalamat sa kanya dahil nabibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng trabaho.
May ilang beses na ring nalihis ng landas ang veteran actor na si Julio Diaz pero parati siyang nasasalo ni Coco.
Ang isa pang veteran actor na nagpapasalamat kay Coco ay si Pen Medina na hindi lamang tumulong sa kanyang pagpapagamot at operasyon kundi binigyan pa siya ng trabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Ito marahil ang isa sa mga sikreto ng tagumpay ng mga serye na pinagbibidahan ni Coco dahil marami siyang natutulungan sa kanyang mga kasamahan sa industriya.
- Latest