Randy, pinalitan si Willie!

Active ang hosting career ni Randy Santiago ngayon dahil siya ang pansamantalang pumalit kay Willie Revillame sa pagho-host ng Wil to Win. Kaya habang busy si Willie sa pangangampanya, si Randy muna ang mamimigay ng cash prizes at jacket sa show.
Simula naman sa March 1, 2025, muling mapapanood siya bilang host ng Sing Galing kasama sina Donita Nose at K Brosas. Every Satuday, 5:45 p.m. ang aring nito. Kaya Monday to Saturday, mapapanood sa TV5 si Randy.
After two years, magbabalik ang iconic TV5 legacy show para magpasaya at dumiskubre ng mga bagong talent.
Sa Media Videoke-Con na ginawa sa Rockstar KTV sa Greenhills, pinasalamatan nito ang TV5 at ang MediaQuest sa suporta sa Sing Galing. “Sobra ang suporta nila, ang daming promo at guesting ng mga kasama namin sa shows. Maingay na maingay at sana, mag-translate sa March 1,” dagdag ni Randy.
Mas malaki ang Season 3 ng Sing Galing, kasama bilang Jukebosses sina Jessa Zaragoza, Ethel Booba, Mitoy Yonting, Nina, Ella Mae Saison, at Vehnee Saturno.
Join din sa show ang Singtokers na sina Queenay, Gab Pascual, Ari G, Yanyan de Jesus. Online hosts naman sina Marimar at Zendee.
Bago matapos ang mediacon, in-announce na sa halip na one hour and 15 minutes, tatakbo na ang show ng one hour and 30 minutes.
Jak, ayaw tantanan sa panggagamit si Barbie?!
Hindi nagustuhan ng fans ni Barbie Forteza ang para sa kanila ay shading ni Jak Roberto sa kanyang ex-GF nang maging guest hurado sa It’s Showtime. May nabanggit kasi si Jak sa kanyang punchline na sana, sa susunod na mapana siya sa puso, sa tamang tao na.
Hindi raw maganda para kay Barbie ang sinabing ‘yun ni Jak at hanggang ngayon daw, ginagamit pa rin nito ang breakup nilang dalawa para maging relevant siya.
Pati nga raw si Rochelle Pangilinan na kasabay na guest ni Jak, napa-comment ng “gamit na gamit ah” na ang gustong tukuyin ay ginagamit ng aktor ang breakup nila ni Barbie.
Pakiusap ng fans ni Barbie kay Jak, lubayan na nito ang aktres at magtrabaho na lang siya. Hindi raw magre-react si Barbie sa sinabing ‘yun ni Jak, kaya silang mga fan na lang ng aktres ang magre-react.
- Latest