^

Pang Movies

Pauleen, kinumpirma ang pagbubuntis!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pauleen, kinumpirma ang pagbubuntis!
Joey, Vic at Pauleen
STAR/ File

Kinumpirma na ni Pauleen Luna-Sotto na buntis siya sa pangalawang anak nila ni Vic Sotto.

Inanunsyo niya ang magandang balita sa kanyang Instagram page kahapon (July 29).

Nag-post si Pauleen ng isang reel kung saan ay mapapanood ang panganay nilang anak na si Tali na napapagitnaan ng balloons na may nakasulat na “big sister.”

Sa caption, Pauleen wrote, “Someone’s excited to be a.....”

Bagama’t hindi niya tinapos ang sentence, obvious na ang karugtong nito ay “big sister.”

Dumagsa naman ang pagbati ng netizens and celebrities sa BosLeng at masayang-masaya sila for the couple. Happy rin sila for Tali na magiging ate na.

Marami rin ang nag-comment na tama ang hula nila na buntis si Pauleen dahil iba nga raw ang beauty nito ngayon.

Matagal-tagal nang pinag-uusapang preggy si Pauleen na lalong lumakas nang ibuking ito ni Joey de Leon sa first episode ng E.A.T nang tawagin niyang “hoy buntis” ang misis ni Vic.

Dennis, naglabas ng hinanakit kay Gerald

May kinikimkim palang hinampo si Dennis Padilla kay Gerald Anderson na boyfriend ng anak niyang si Julia Barretto. Ikinuwento ito ng komedyante sa kanyang panayam sa vlog ni Ogie Diaz.

Ayon kay Dennis, noon pa raw niya gustong makausap si Gerald pero hanggang ngayon daw ay hindi siya tinatawagan nito. “There was a time, si Andrew E., I think, nagkita sila sa event ni Gerald. Ang sabi ni Andrew E., ‘Gerald, kausapin mo naman si tito Dennis mo, gusto ka lang namang makausap nu’n.’ Ang sabi ni Gerald, ‘yes, tito Andrew.’ Pero hindi naganap,” kwento ng tatay ni Julia.

One time naman daw ay nagkita sina Gerald ang kanyang kapatid na si Gene Padilla sa isang basketball game. Sinabihan daw ng utol niya ang aktor na puntahan siya sa hotel para magkausap sila. Pero hindi rin daw ito ginawa ng BF ng kanyang anak.

“So, kung gusto talaga ako ni Gerald na kausapin, dapat kinausap na niya ‘ko. Eh hanggang ngayon, hindi niya ako kinakausap, eh. Siguro mas importante sa kanya na good shot siya kay Marjorie (Barretto, ina ni Julia) pero sa akin, kahit bad shot siya, okay lang sa kanya. ‘Yun ang pakiramdam ko,” sabi ni Dennis.

“Kung ayaw niya akong kausapin, wala na akong magagawa. Ako, gusto ko siyang makausap, pero kung ayaw niya, ayoko na rin,” sabi pa ni Dennis.

Gusto lang daw niyang sabihin kay Gerald ang mga nangyari at ipaalala rito na si Julia ay anak niya rin at hindi lang si Marjorie ang magulang nito.

“Baka natatakot siya kay Julia saka kay Marjorie, baka ‘pag kinausap ako, magalit sa kanya ‘yung dalawa,” aniya.

Sey naman ni Ogie, ang pagkakaalam niya kay Gerald ay marespeto naman at baka lang daw nasabihan or baka umiiwas lang sa gulo.

Sabi naman ni Dennis, “ikamamatay mo ba ‘yun ‘pag sinita ka ni Marjorie at sinita ka ni Julia? Ang ibig mong sabihin, ‘pag kinausap mo ‘ko, hihiwalayan ka ni Julia?”

Hindi na raw niya inaasahan na siya ang maghahatid kay Julia sa altar kapag ikinasal ito. Masakit daw ito sa kanya kung sakali pero pupunta pa rin daw siya dahil gusto niyang makita ang kanyang anak sa kasal nito.

vuukle comment

VIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with