^

Pang Movies

Isabelle Daza natakot sa bashing, malaking offer ng Eat... inayawan

Salve V. Asis - Pang-masa
Isabelle Daza natakot sa bashing, malaking offer ng Eat... inayawan
Isabelle at Gloria

MANILA, Philippines — Ang laki raw ng offer kay Isabelle Daza ng Eat Bulaga para maging co-host nina Paolo Contis, Isko Moreno, Betong Sumaya, Buboy Villar at iba pa.

Pero diumano’y hindi ito tinanggap ni Isabelle.

Hindi raw si Isabelle ang unang nakatanggap ng offer mula sa Eat Bulaga para maging co-host pero takot daw ang mga ito sa bashing kaya tinatanggihan.

Samantala, nabudol pala ang mommy ni Isabelle na si Gloria Diaz sa isang shopping app.

Nag-order daw ito ng toy na car with remote control pero pulos tissue ang dumating.

Na-reimburse naman daw ito ng kauna-unang Pinay Miss Universe.

Heart, hinahanap si Ricky Rivero

Naghahanap daw ng contact person si Heart Evangelista kahapon para tulungan ng dating actor na si Ricky Rivero na kasalukuyan pa ring nasa isang hospital.

Last May pa nanghihingi ng tulong si Ricky dahil hindi raw ito nakakalabas sa Philippine Heart Center.

Noong May 7 ay nag-post ito ng : PLUS 1 Happy birthday to me. Panginoon maraming salamat sa paghaba ng buhay. Salamat sa lahat ng tumulong at nang nagdadasal.

Update: slightly paralisado pa rin kaiiwang bahagi ng katawan ko at di pa ako nakakalakad. Happy birthday to me. 51 na. Ricardo Rivero g cash 09950058066,”

Bongga ni Heart kahit nasa Paris ay naalala niyang magbigay ng tulong dating kaibigan.

Awra, dawit sa rambulan?!

Si Awra Briguela nga ba ang nasa video ng mga nagrarambulan na dalawang grupo sa Poblacion, Makati na dinampot ng mga pulis?

Makikita sa video ni @supernegatrona na may suntukan at balyahan ng dalawang grupo.

Pero dumating ang mga pulis at sinubukang awatin.

Bagama’t medyo malayo ang mukha ni Awra sa video, makikita ang suntukan, hampasan at sakitan ng ilang tao sa kalsada ng Poblacion. Pero si Awra ay inilalapit sa sasakyan ng pulis at saka parang pinoposasan ito, bagama’t malayo nga ang kuha sa nasabing video.

Nauna na itong nag-post sa kanyang Instagram story na nasa Poblacion, Makati nga siya.

Anyway, sabit din si Awra sa kontrobersya ng hiwalayan nina Andrea Brillantes and Ricci Rivero.

Lalo na nang mag-tweet siya ng “grabeh tigas ng pes parang rock,”  na bagama’t walang pangalan ay ito ‘yung time na nagpa-interview si Ricci kay tito Boy Abunda.

Na by the way ay nag-unfollow na sa isa’t isa sina Ricci at Andrea.

TVJ at legit Dabarkads mula Batanes hanggang Jolo sa TV5

Isang araw bago ang grand launch ng noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) at ng legit Dabarkads sa TV5 ay nagkaroon na ng Mass at blessing ang studio na gagamitin nila kahapon.

Gumagawa nga ng kanilang bagong tahanan sa TV5 ang TVJ at legit Dabarkads, kaya ang subscribers ng Cignal (number 1 Pay TV provider ng bansa) at SatLite (sulit Pay TV service), ay maaring mapanood ang pagbabalik nila sa tanghali simula sa Sabado, Hulyo 1, 2023.

 At bilang special treat, gagawing libre ng Cignal at SatLite ang TV5 SD (Ch. 5) para sa lahat ng subscribers (may load man o walang load) mula Hulyo 1 hanggang 8.

Dahil nationwide ang coverage ng Cignal, ang noontime show ng TVJ ay makakarating na rin sa pinakamalayong lugar ng bansa. Mula Batanes hanggang Jolo, maaari raw i-on ng mga subscriber ang kanilang Cignal o SatLite box para manood at mag-enjoy sa unang linggo ng inaabangang noontime show nila.

“Excited na kaming mapanood muli sa TV ang TVJ at ang Legit Dabarkads live. Sa pamamagitan ng paggawa ng TV5 SD na libre sa Cignal at SatLite, ang pagbabalik nila sa noontime television ay magiging available sa mas marami nating mga customer. Ito ay naaayon sa aming pangako na patuloy na maghatid ng pinakamataas na kalidad ng entertainment na may kaugnayan at naa-access para sa lahat,” pagbabahagi ni Gerard L. Milan, Chief Revenue Officer ng Cignal TV.

 Kamakailan ay naging headline ang TVJ dahil sa paglipat nila sa TV5 mula sa Eat Bulaga kung saan sila naging poste sa loob ng 44 na taon.

Ang inaasahan na ngayon ng publiko ay ang isang bago at pinasiglang TVJ plus Legit Dabarkads na tinukoy ni MediaQuest Chairman Manny V. Pangilinan bilang isang “kasunduan sa pamumuhunan o investment agreement.”

Sa kasunduang ito, nakipagtulungan ang TV5 sa TVJ Productions na magdala ng de-kalidad at nakakaaliw na content para masiyahan ang mga manonood.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga plano ng Cignal, bisitahin ang kanilang website sa www.cignal.tv o makipag-ugnayan sa kanilang Sales Hotline sa #88555.

vuukle comment

ISABELLE DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with