^

Pang Movies

Danica, mas nadalian sa ikatlong pagbubuntis  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Danica, mas nadalian sa ikatlong pagbubuntis             
Danica

Nagbigay ng update si Danica Sotto sa kanyang ikatlong pagbubuntis.

Noong nakaraang June ay in-announce ni Danica at ng mister niyang si Mark Pingris na may bago na silang member ng kanilang pamilya at may kapatid na ang mga anak nilang sina Anielle Micaela and Jean Michel.

Sa latest post ni Danica sa Instagram, sinabi nito na mas okey raw ang pagbubuntis niya ngayon kumpara sa huling pregnancy niya na nahirapan siya. Ngayon daw ay mas nakakakilos siya nang maayos at maayos din ang pagkain niya.

“#pregnancyupdate No more headaches and dizzy spells. Thank you Lord! I have more energy and can eat almost anything. Tagal na since my last pregnancy so I’m really feeling every symptom. Mixed emotions na may kaba and excitement. Whenever I have anxious thoughts, I renew my mind because I know I’m not alone and that we have God as our guide and our source of strength.

“Sharing with you this verse that I read this am and I hope it gives you encouragement as well. Deuteronomy 31:6 - “So be strong and courageous! Do not be afraid and do not panic before them. For the Lord your God will personally go ahead of you. He will neither fail you nor abandon you,” caption ni Danica.

The Clash alumna, nag-ampon matapos mamatayan ng dalawang anak

Pagkatapos na dumaan sa lungkot ang The Clash Season 1 alumna na si Mirriam Manalo dahil sa pagpanaw ng dalawang anak dahil sa komplikasyon dulot ng genetic disorder na spinal muscular atrophy, nakahanap ng rason para ngumiti ang Kapuso singer dahil sa isang baby boy na dumating sa buhay niya.

Nag-adopt ng baby boy noong nakaraang June 21 si Manalo at binigyan niya ito ng name na Diondre.

Ito raw ang source ng kanyang kasiyahan ngayon pagkatapos na mawala ang two girls niya na sina Layla Elleina at Lilah Emilia. Tuwing tinitingnan daw niya si Diondre, hindi mapigilan na maiyak ni Manalo dahil ramdam na niya ang pagiging isang ina.

vuukle comment

DANICA SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with