^

Pang Movies

Dingdong, nanganib ang buhay sa atake ng bees!

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aww isinugod sa ER si Dingdong Avanzado matapos kuyugin ng bubuyog habang naglalaro ng golf at umuwi na masamang-masama ang pakiramdam.

Ayon sa kuwento ng misis niyang si Jessa Zaragoza : “These past 24 hours have been one of the most memorable and jarring experiences we’ve encountered as a family. During Dingdong’s golf game yesterday, he was stung by a swarm of bees. He drove home feeling really sick and nauseated. As soon as he got home, that was the first time I’d seen my husband throw up really bad. I got so worried he’d go into anaphylactic shock, due to the venom coming from the multitude of bee stings. I counted over 40 stings all over his body, the majority on his back, where it looks like the bees invaded his shirt. I tried convincing him to go the hospital, Pero ayaw talaga. Buti nakinig sa Anak! @jayda. “Minsan pala kailangan din pagalitan ng anak yung tatay! Hahaha”

So finally, we went to the ER and hooked him up with some stronger meds through an IV. May swelling pa din mga bites esp the one sa eye nya. Mejo nakasara yung isa.

(Kuya @randysantiagoofficial parang naalala kita sa mata ni dingdong ngayon hahaha Miss you Kuya! Sing you soon!)

Dingdong is doing fine right now. Mejo groggy pa din from the anti tetanus vaccine. We hope and pray that he will recover faster. I think that the most important thing right now for our family is the fact that we can celebrate this Christmas being together. Thank you to all our dear friends that sent us well wishes for Dingdong. Merry Christmas!!! May GODBLESS you all!”

At sabi nakakamatay ang bee sting at kailangan itong tanggalin sa mga lugar kung saan marami nito.

Grabe noh meron palang ganun sa golf course.

Takot pa rin sa mga sinehan?!

Kakalungkot na hindi tinao ang mga sinehan kahapon.

Ang mga sinehan sa Trinoma mall sa Quezon City na umaapaw noon ang mga nanonood ‘pag MMFF, walang kapila-pila kahapon ng hapon.

Sobra pa sa puwedeng mag-bike. As in kung regular ang panahon at walang pandemic, sasabihin mong flop.

Pero may pandemya kasi at matindi ang banta ng Omicron variant, kaya kakatakot din namang pumunta ng sinehan lalo na nga at kulob ito.

Though sa Mall of Asia ay may pailan-ilang nanonood diumano.

Hindi rin daw masyadong aware ang iba na back to cinemas na pala ang MMFF at kung anu-anong mga pelikula ang ipalalabas.

Sa social media lang nagkaroon ng promo ang lahat ng pelikulang kasali sa MMFF.

Sana nga ay makabawi sa mga susunod na araw dahil malungkot na balita ito sa mga producer natin na matagal na na-freeze ang mga puhunan dahil sa pandemic at matagal na pagsasara ng mga sinehan. 

vuukle comment

DINGDONG AVANZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with