^

Pang Movies

Rita, inaming muntik magpakamatay dahil sa bashers

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Philstar.com
Rita, inaming muntik magpakamatay dahil sa bashers
Rita at FM

Hindi napigilang maging emosyonal ni Rita Avila habang sinasagot ang basher niya na aniya ay tinapakan ang kanyang pagkatao at dinamay pa ang kanyang asawang si direk FM Reyes.

Naglabas ng kanyang sama ng loob si Rita sa pamamagitan ng video na in-upload niya sa kanyang Facebook page last Thursday. “Itong araw na ‘to, napakabigat po ng puso ko dahil may isang demonyong sumulpot. Yes, demonyo. Dahil ang tanging gusto lang talaga niya ay makapanakit at tapakan ang pagkatao ko,” pahayag ni Rita.

“Ang ikinagalit ko o ikinasama ng loob ko ay ang pagdamay pa niya sa asawa ko. Pintasan na ng lahat ang karakter ko, ang pag-arte ko, huwag lang idamay ang asawa ko.

“Sinabi nu’ng demonyo na ‘yun na ako ‘yung kulelat sa artehan dito sa Ang Sa Iyo ay Akin (teleserye niya sa ABS-CBN na kasalukuyang umeere at isa sa direktor ang asawa niya). Sige, fine.

“Pero nun’g sinabi niya na ‘di bale, nandiyan naman ang asawa mo para iangat ka,’ masakit na po ‘yun,” patuloy ni Rita.

Ayon pa sa aktres, a similar thing happened nang magsama sila sa Marinela drama series na ang mister din niya ang direktor. Aniya, “may mga demonyo rin na siniraan kami dahil lang sa relasyon namin.”

She confessed na dahil sa labis siyang nasaktan sa bashers that time ay nagtangka siyang magpakamatay.

“Napakasakit po nu’ng time na ‘yun na ako ay nagtangkang magpakamatay. ‘Di ko kinaya,” saad niya.

Para wala na raw masabi ang mga tao ay hindi na sila nagsama ng mister niya sa isang proyekto ng mahabang taon. “After so many years, pinagsama ulit kami, and I was just careful dahil baka may mga kung anu-ano na namang sutsot ang mangyari,” saad ni Rita.

Ang Ang Sa Iyo Ay Akin ay pangatlo pa lang daw nila ulit na soap together matapos mamahinga from doing a project together for so many years.

Mensahe ni Rita sa mga nagsasabing dahil sa mister lang niya kaya siya nagkakaroon ng proyekto, “matagal na po akong artista. Sabihin n’yo nang laos ako, fine. Dahil hindi ko naman iniisip, wala akong ilusyon na sikat ako. Pero‘yung para sabihin na kaya naman akong iangat ng asawa ko, huwag ganu’n.”

Pagkatapos nito ay naging emosyonal na si Rita at napaiyak na. “Maayos kaming magtrabaho, alam nila ‘yan. Hindi po siya ang namimili na ilagay ako sa cast. Management po ng ABS-CBN ang namimili kung sino ang mga artistang kukunin,” paliwanag ni Rita.

Nagbigay din ang aktres ng babala sa ­bashers. “Huwag na huwag n’yong bigyan ng dumi ang relasyon namin just because mag-asawa kami at nagtatrabaho kami bilang direktor at aktres. Hindi ko kaya ‘yun. Hindi ko kayo mapapatawad. Napakabu­ting tao ng asawa ko.
For her final words, galit na sabi ni Rita, “hindi ako bobong artista na kailangan pang hilahin niya.”

vuukle comment

RITA AVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with