^

Pang Movies

Kilalang educational YouTube shows palabas na rin sa Knowledge Channel

Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aaral online ng mga bata dahil nasa official Facebook page na ng Knowledge Channel ang mga kilalang educational shows nito.

Mula Lunes hanggang Huwebes, mapapanood ng mga batang nasa grades 1 to 10 ang mga lessons sa subjects na Math, English, Social Studies, at ­Science.

Samahan si Ate Michelle tuwing Lunes sa pag-aaral ng pagbabasa sa pamamagitan ng interactive storytelling at arts and crafts activities sa Wikaharian Online World, 1 p.m.

Matutunan naman ang science sa pamamagitan ng simpleng home experiments na turo ng Pinay astrophysicist at cool scientist na si Dr. Reina Reyes sa Science Says Live, tuwing Martes, 4 p.m.

Para naman sa masayang pag-aaral ng Math, panoorin si Kuya Robi Domingo sa kanyang pagbabalik bilang math teacher sa MathDali, tuwing Miyerkules, 4 p.m.

Sundan si Kuya Kim sa kanyang bagong teaching job—ang pagiging quizmaster ng  Knowledge on the Go, kung saan samu’t saring kaalaman ang matututunan tuwing Huwebes, 12:30 p.m.

Samantala, mapapanood na rin sa Knowledge Channel sa TV ang mga sinusundang educational shows ng mga bata sa YouTube.

Kasama rito ang Teacher Celine, na tugkol sa alphabet at numbers, Pambata TV, na naghahatid ng Pinoy values, Team Lyqa, na nagtuturo naman ng English and Filipino, Sir Ian’s Class, isang masayang programang pang-social studies, at  Pinoy Online Class at Number Bender, na pareho namang nagtuturo ng math.

Puntahan lamang ang Knowledge Channel website na knowledgechannel.org, ang Facebook page at YouTube channel nito, ang iWant o panoorin ito sa SKYcable Channel 5 at GSat Channel 45.

At least habang hindi pa nag-uumpisa ang iba ng online schooling meron naman silang option sa matuto sa new normal setup.

KNOWLEDGE CHANNEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with