^

Pang Movies

Jasmine hindi naramdamang crush ni Ruru

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jasmine hindi naramdamang crush ni Ruru
Jasmine & Ruru

Alam ba ni Jasmine Curtis Smith na showbiz crush siya ng leading man niya sa first movie team-up nila ni Ruru Madrid, sa Cara X Jagger?

“Hindi naman po niya ipinaramdam sa akin,” nakangiting sagot ni Jasmine. “Pero napansin ko po lamang masyado siyang maalaga sa akin noong nagsu-shooting kami. Like kung naka-high heels ako at kailangan kong maglakad nang malayo, nandun siya, inaalalayan niya ako. Napaka-gentleman niya, hindi lamang sa akin, ganoon din sa ibang babae na kasama sa cast. Wala po namang nangyaring pormahan sa set. Siguro po dahil alam naman ni Ruru na may boyfriend na ako, alam niya kung gaano ko ka-love ang boyfriend ko, si Jeff (Ortega).”

Sa Cara X Jagger ay dati silang sweethearts pero may aksidenteng nangyari kay Jagger na nawala ang kanyang memory at nasira ang kanilang relas­yon. Si Cara naman ay pilit na kinalilimutan ang nangyari sa kanila ni Jagger. Babalik ba muli ang kanilang pagmamahalan?

Sa direksyon ni Ice Idanan, mapapanood na ang Cara X Jagger sa November 6, in cinemas nationwide, produced by APT Entertainment at Cignal Entertainment.

Alden hindi nagpabayad sa concert ni Betong

Wala namang dapat ikakaba si Betong Sumaya kung gusto na niyang subukang magkaroon ng sariling concert. Bukod sa may sariling talento si Betong sa pagkanta at pagpapatawa, suportado siya ng mga kaibigan at mga kapwa Kapuso stars nang balakin niyang magkaroon ng sariling concert.

Ang Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha? ay gaganapin sa Music Museum sa November 21, 2019.

Last week nag-sign si Betong sa GMA Music at nagsimula na siyang i-record ang first single niya, tamang-tama sa darating niyang concert. Hindi na rin mabilang ang mga shows na ginawa ni Betong here and abroad, kasama ng mga Kapuso talents, isa na rito si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards na isa sa nagbigay na ng support sa nalalapit niyang concert.

“Overwhelmed po ako nang kausapin ko si Alden kung pwede siyang mag-guest at hindi siya tumanggi, kahit daw wala siyang talent fee,” sabi ni Betong. “Kaya po nag-post agad ako ng pasasalamat sa kanya. Kaya ipauna ko na sa inyo na ihuhuli po natin si Alden kasi baka po kapag nauna siya, mawala na ang mga tao,” biro pa ni Betong.

Sina Alden at Betong ay magkasama sa primetime drama series na The Gift na napapanood gabi-gabi after Beautiful Justice.

Magiging special guests din ni Betong ang mga kaibigang sina Dingdong Dantes, Miguel Tanfelix, Jeric Gonzales, Arthur Solinap, Patricia Javier, Maricris Garcia, Maey Bautista, Chuckie Dreyfus, Carlo Gonzalez, Anthony Rosaldo at Aicelle Santos.

At puwede bang pabayaan ng mga kasama niya sa Bubble Gang na mainstay si Betong, nina Michael V., Chariz Solomon, Valeen Montenegro at Lovely Abella.

Ang Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha? ay mula sa Michael Angelo Productions at Make It Happen Media Production in partnership with GMA Artist Center. Sa direksyon ni Juan Paulo Infante, musical director si Jojo Diamse. 

Ticket prices: VVIP – P 2900, VIP – P 2300, Orchestra P 1500, and Balcony – P 900. Or you may contact Ticketworld at 891-999.

vuukle comment

JASMINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with