^

Pang Movies

Matt at asawa matagal nagdusa sa P6-M na natangay ng scammer!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Matt at asawa matagal nagdusa sa P6-M na natangay ng scammer!

Naging biktima ng isang scammer ang aktor na si Matt Evans at ang kanyang misis na si Katrina Farinas.

Umabot sa higit na P6-M worth of luxury items ang na-swindle sa kanila ng isang scammer.

Ayon kay Matt, inabot daw sila ng kanyang misis ng tatlong taon bago sila nakabangon sa nangyari sa naturang financial crisis. Pero hindi raw iyon nagpahina ng kanilang loob at patuloy silang nananalangin sa Panginoon.

“Noong umpisa hindi mo masisisi, kumbaga bakit ka nagbigay, bakit ganito, bakit ka nagtiwala ka agad? So parang sa amin lang andyan na ‘yan eh, pinagpasa-Diyos mo na, pero kailangan mo pa rin kumilos,” sey ni Matt.

Kaibigan daw ng misis ni Matt ang taong nang-scam sa kanila. Nagtiwala raw sila sa taong ito dahil kilala ito ni Katrina. Hindi nila inakala na lolokohin sila nito.

Nais lang ni Matt at ng misis nito na matapos na ang lahat dahil ilang taon na raw silang nagdusa sa ginawa nito sa kanila.

Pakiusap ng mag-asawa na sana ay ma-settle na nito ang ginawang perhuwisyo sa kanila.

“Huwag na sana niya kami pahirapan, mag-settle na lang siya kung ano ang kaya.  Kasi doon naman din aabot ‘to kahit pahabain mo pa, ‘di ba

“Settlement din naman aabot. Kung ano ang kaya mo salubong na lang, ganun rin naman eh. Pagtrabahuhan na lang lahat,” pagtatapos pa ni Matt Evans.

vuukle comment

MATT EVANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with