^

Pang Movies

Julia at Joshua, nag-away para sa pelikula?!

Vir Gonzales - Pang-masa
Julia at Joshua, nag-away para sa pelikula?!

CEBU, Philippines — Nahalatang gimik yung pag-aaway kuno nina Julia Baretto at Joshua Garcia dahil hindi nagtagal ay magkabati na muli ang dalawa.

May movie kasing gagawin ang dalawa kaya kailangang magkaroon ng ingay lalo’t kasama nila si Kris Aquino.

Ang kawawa ay yung girlalu na napagbintangan pang pokpok ng mga basher gayung nag-comment lang naman si Joshua. Dapat wala na yang selos-selos epek dahil alam ng milennial fans na hindi ito totoo.

Sabagay, what else is new ba sa mundo ng showbiz.

Mga imposibleng eksena sa Probinsyano, nakakaaliw panoorin!

Hindi namin masagot ang katanungan ng mga tagahanga ng Ang Probinsyano kung sino ba sa grupo nina Coco Martin, Lito Lapid, Jhong Hilario, Jaime Fabregas at John Arcilla ang mapapatay.

Aba sunud-sunod na nga naman ang bakbakan at barilan ng harap-harapan pero wala silang nakikitang bumubulagta or napapatay sa grupo ng mga ito. Tuwing may tatamaan, bangon daw kaagad baka kasi makonsiderang napatay sila.

Ang nakakagimbal pa rito ay ang mga patung-patong na bangkay ng mga pulis ang nakakalat sa pasilyo ng ospital, kung saan sila nag-away.

Nakakagulat ang eksena ni Coco na hindi na gumamit ng hagdanan noong makakita ng motor.

Nakakaaliw panoorin, yung motorsiklo, lumundag na lang galing sa third floor ng ospital.

Talagang bigatin si Coco, nakatayo agad noong bumagsak sa lupa sabay sakay ng motorsiklo.

Well, mga imposibleng isiping eksena pero nakakaaliw panoorin.

Dating beauty queen hindi pinalampas ang hitmakers

May kwento ang aktres beauty queen na si Rosemarie De Vera Javier, Mutya ng Pilipinas 1981 sa Los Angeles, California. Pinanood daw niya ang The Hitmakers na sina Rico Puno, Rey Valera, Marco Sison at Haji Alejandro noong mag-concert sila doon.

Agad daw siyang nagpunta sa backstage para makatsikahan ang mga pamosong kababayang singer, sabik si Rose maka-meet ng mga kababayan sa America dahil mabuti daw kaibigan niya ang producer.

Personal…

Birthday greetings to April born showbiz celebranties: Angel Locsin, Regine Velasquez, Ian Crosby Yu, That’s Entertainment s Ronald Ledesma, director Joey Austria and Ana Capri

vuukle comment

JULIA BARETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with