Tommy gusto nang maging daddy sa anak ni Miho
Malakas ang dating sa social media ng tambalang ToMiho nila Tommy Esguerra at Miho Nishida kaya hindi malayong maging big hit ang Foolish Love dahil sa first movie ito ng team-up nila na nabuo sa Pinoy Big Brother 737 noong 2015.
Dahil nga unang pelikula nila, kabado ang ToMiho loveteam dahil na rin sa direktor nilang si Joel Lamangan.
“It was a good experience for me and Miho.
“It’s really my dream to make a movie with Miho as my partner.
“Now, it came true and working with Direk Joel was a great experience and we had a good time learning so much from him,” sey pa ni Tommy.
Naging madali nga raw kay Miho na maging sweet siya kay Tommy sa movie dahil sa relasyon nila sa totoong buhay.
Sa totoong buhay ay wish nga ng ToMiho na tumagal ang relasyon nila.
Ayon kay Miho: “Ayoko rin ng papalit-palit ng boyfriend. So sana, kami na nga po ni Tommy forever.”
May isang anak na si Miho mula sa dating boyfriend nito. Wala raw problema kay Tommy na siya ang kilalaning ama na nito.
“Okay lang sa akin. Because naging close na rin ako sa anak ni Miho.
“If she starts calling me daddy or tatay, walang problema. I would love that actually,” ngiti pa ni Tommy.
Co-stars ng ToMiho sa Foolish Love ay sila Jake Cuenca at Angeline Quinto.
Chef Victor ayaw na uling mag-abroad
Siyam na taon ding nawala si Victor Neri sa showbiz dahil ginusto nitong makahanap ng ibang lugar kung saan hindi siya makikilala bilang isang artista.
Bumiyahe siya sa Hong Kong, Beijing at Bangkok para mag-aral na maging isang professional chef.
“I left in 2007 after I did the teleserye Bakekang with Sunshine Dizon. ‘Yun ang huli kong ginawang teleserye.
“I wanted to just leave and find a new world para sa akin. I’ve been in the business since 1992.
“Masyado na akong nakulong sa pagiging isang artista. I just wanted to find out kung may iba pa akong kayang gawin aside sa pagiging isang artista,” saad pa niya.
Sa siyam na taong nawala si Victor, bumalik siya rito na isang professional chef na at may sarili na siyang restaurant called Saute na matatagpuan sa Tomas Morato in Quezon City.
“I actually returned noong 2014 to do the indie movie Separados. Tapos pabalik-balik na lang ako for two years.
“Kailangan ko ring mag-lose ng timbang. I gave myself one year para pumayat.
“Noong unang dating ko ulit sa Pilipinas, I was like 260 lbs. Now I am 175 lbs. na lang.
“Ngayon tapos na ang mga ginagawa ko sa ibang bansa kaya for good na ako rito,” kuwento pa niya.
Kasama nga si Victor sa GMA-7 teleserye na Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Ito ang unang teleserye niya after nine years.
Masaya naman si Victor na ang mga ka-batch niya sa Ang TV ay aktibo pa rin ngayon sa pag-arte.
“Ang galing, ‘di ba? Kasi nandito pa rin kami. Like si Claudine (Barretto), Angelu (de Leon), Gio (Alvarez), Jolina (Magdangal), Camille (Prats) and even si Roselle (Nava) na nasa politics naman.
“Iba kasi ang disiplina namin noon bilang mga artista. Kaya ‘yung mga natutunan namin 25 years ago ay dala-dala pa rin namin hanggang ngayon.”
Korean superstar ikakasal na
Maraming nalungkot na fans ng K-Pop fans ng South Korean pop icon na si Rain dahil sa pagkaka-engage nito sa Korean actress na si Kim Tae-Hee.
Sa isang handwritten letter na pinost sa Instagram ay pinaalam ni Rain sa kanyang fans ang kanilang magiging wedding. Pero isang simple at hindi magarbong kasalan ito.
“I am going to be a good husband and man as a head of a family.
“She has always been by my side through the hard times and the good times.
“Regarding the time and the wedding ceremony, we plan to keep it as quiet and holy as possible during the current unstable national mood and economically difficult times,” post pa ni Rain.
Nagkakilala ang dalawa habang nagsu-shoot sila ng TV commercial noong 2011. Pagkatapos ng isang taon ay nagsimula na silang mag-date.
Nakilala si Rain (real name is Jung Ji-Hoon) dahil sa pag-evolve ng K-Pop sa South Korea. Bukod sa pagiging singer ay lumabas din siya sa mga Hollywood films na Ninja Assasins at Speed Racer.
Big hit din ang mga Koreanovelas na ginawa niya, particularly ang Full House na naging worldwide hit noong 2004.
- Latest