^

Pang Movies

Sikat na aktres araw na lang ang hinihintay bago ‘magladlad!’

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Araw na lang daw ang binibilang ng isang sikat na aktres upang matapos na ang kontrata niya sa isang network. Wala naman daw naririnig ang sikat na aktres sa management kaya naman nang matunugan ito ng kalabang network, inoperan ang aktres ng kontrata.

Siyempre, ayaw munang magsalita ng network sa nalalapit na pagpirma sa kanila ng aktres. Hinayaan muna nilang dumiskarte ang aktres sa kanilang network.

Once maplantsa na ang detalye sa kontrata, goodbye na ang aktres dahil hindi naman siya nabibigyan ng magandang projects sa network na matagal niya ring pinaglingkuran, huh!

 

Liza at Enrique kinabog ang KathNiel sa summer plug ng Kapamilya!

Tabi muna ang KathNiel loveteam kina Liza Soberano at Enrique Gil. Ang mga bida ng Forevermore, bumida kasi sa theme song ng ABS-CBN Summer plug ang da­la­wa kahit hindi kagandahan ang boses nila, huh!

At least, tagumpay ang ABS-CBN sa pagpapai­nit ng loveteam nina Liza at Enrique. No sweat dahil nagustuhan sila ng publiko. Eh, ‘yung pinaiinit na loveteam nina Julia Barretto at Iñigo Pascual, maraming bigas pa ang kakainin, huh!

‘Yung hindi napagtagumpayan ng Julia at Enrique nu’ng pagsamahin sila, eh naging goldmine nang pumareha ang aktor sa baguhang young actress, huh!

Next year daw, biro ng isang anchor sa DZMM, sina Melissa Mendez at Andrew Wolff ang pakantahin ng summer plug ng Kapamilya Network! He! He! He!

vuukle comment

AKTRES

ANDREW WOLFF

ARAW

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

JULIA BARRETTO

KAPAMILYA NETWORK

LIZA SOBERANO

MELISSA MENDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with