Naniniguro na kasama tala sa no. 1 movie ng MMFF Kris kasali rin sa pelikula ni Vice Ganda
MANILA, Philippines - Ibinisto ni Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight na may special participation siya sa movie ni Vice Ganda na The Amazing Praybeyt Benjamin. Siya ang lalabas na wife ni Richard Yap na lumabas na ama ng anak na si Bimby Yap sa movie.
“I’m bad! Masaya ito!” sambit ni Kris sa talk show.
So kahit cameo role, dalawa ang entries ni Kris sa MMFF. Isa na ‘yung Feng Shui 2 nila ni Coco Martin. Hindi ba labag sa rules and regulations ‘yon ng MMFF?
Komo nga nasa movie ang anak, hindi maitatago na co-producer ang bata. Nangyari na ‘yan sa una niyang movie na My Little Bossings. Pero siyempre, si Kris pa rin ang namamahala sa ins and outs ng pagiging co-producer ni Bimby, huh!
Sa pagbulgar na ni Kris na bahagi siya ng isa pang festival movie, humanda na siya sa mga birada sa kanya, huh!
News reader ‘di alam ang ibinabalita ng sariling programa
Kawalang-gana rin ang mga news anchor na ilang beses na ngang nabanggit ang kaso ng negosyanteng diumano ay nambugbog ng isang MMDA traffic constable, tinatanong pa ito kay MMDA Chairman Francis Tolentino sa isang news program.
Kasi naman, ininterbyu na ang traffic enforcer sa morning show ng same network. Direct assault ang kasong balak isampa sa negosyante na sinabi ng isang opisyal ng MMDA. Tapos nang kapanayamin ng news anchor si Chairman Francis, muling tinanong kung ano ang kasong balak isampa, huh!
Narinig na nga ang sinabing kaso sa isa ring opisyal ng sangay ng gobyerno, tinanong na naman kung anong kaso ang isasampa. Basa lang kasi nang basa ng balita at hindi pinakikinggan ang laman ng interviews sa loob ng programa, huh!
Ang pangyayaring ‘yon ang pinagtutuunan ng pansin ngayon ng news program. Mayaman versus mahirap kasi ang taong sangkot kaya hanggang hindi lumulutang ang may-ari ng mamahaling kotse, asahan na mapupurga tayo ng balitang ‘yan.
Hay, better than those grandstanding Senate investigations, huh!
New Year Celebration sa Maynila ile-level daw sa New York at China
Mabuti naman at this early, suspended na ang mga klase sa buong Maynila kaugnay ng pagdating sa bansa ni Pope Francis sa January. Agad inihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada ang suspension ng classes upang magkaroon ng chance ang Kamaynilaan na makibahagi sa pagdating ng Santo Papa.
Kaya naman sa January, dalawang beses magkakaroon ng religious activity. Una ‘yung Pista ng Poong Nazareno sa January 9 at ito ngang pagdating ni Pope Francis mula January 15 hanggang January 18.
Pero bago ang lahat ng religious activities na ito, isang bonggang 2015 Countdown ang pinaghahandaan ng City of Manila sa December 31 dahil first of its kind ito na puwedeng ihalintulad sa mga New Year’s Countdown sa New York City at China, huh!
- Latest