^

Pang Movies

Inilalabas lang ang mga produkto ‘pag may pictoria: Female celeb ‘di tumutupad sa kontrata ng mga iniendorso

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ingat na ingat nga ang female celebrity na ito sa kanyang mga ini-endorse na mga produkto. Kaya ginagawa niya ang lahat para hindi mabuking na hindi niya ginagamit ang mga ito.

Minsan nga raw na nagkaroon ng photo shoot sa kanyang bahay, pina-display niya sa bawat lugar ng kanyang bahay ang mga ini-endorse niyang mga produkto. Mula sa mga gamit sa kusina, toiletries, make-up, sapatos, at mga damit ay naka-display para makita sa mga litrato.

Ultimo nga raw sa loob ng kanyang refrigerator ay nilagay niya ang mga pagkain at inumin na ini-endorse niya.

At sa kanyang magiging article nga, kailangan mabanggit lahat ng kanyang mga endorsements. Kasama raw kasi iyon sa kontrata na pinirmihan niya. At hindi raw puwedeng magbanggit ng anumang kalaban ng produktong ini-endorse niya.

Pero pagkatapos naman ng photo shoot ay sabay inalis lahat ng mga ipina-display niyang mga produkto at ibinalik ang mga totoong ginagamit niya.

Lahat ng kanyang mga ini-endorse na mga produkto ay nakatago sa mga malalaking containers at ilalabas na lang daw niya ang mga ito kapag may photo shoot ulit at kapag binisita siya ng mga tauhan ng mga produktong iyon.

Fans ni Julie Anne puwedengmakasama sa kanyang music video

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga fans ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose na makasama ang kanilang idol sa isang music video sa pag-launch ng Sing with MyJAPS music video promo na magtatagal hanggang August 22.

Pagkatapos ng successful release ng pangalawang album ni Julie Anne na Deeper, inilulunsad ng GMA Network ang isang promo para sa lahat ng mga Kapuso fans na kinagigiliwan ang kanyang bright pop at R&B music.

Ang promo na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa lahat upang maging bahagi ng music video ng hit carrier single ni Julie Anne na Right Where You Belong na ipalalabas sa iba’t ibang programa ng Kapuso network.

Invited ang mga Kapuso fans, music lovers, at netizens na kumuha ng video ng kanilang sarili o ng ibang tao habang inaawit ang chorus ng Right Where You Belong gamit ang isang video camera o smart phone.

Ang minus one ng chorus part ng nasa­bing single ay maaaring i-download sa video-sharing website na YouTube.

Namana lang daw: Iron Man walang magawa sa kasong kinasangkutan ng anak

Tuluyan na ngang kinasuhan ang anak ni Iron Man star Robert Downey, Jr. na si Indio Downey ng one felony count of possession of a controlled substance and a misdemeanor count of possession of a smoking device.

Nahuli ng mga pulis ang 20-year old son ni Downey noong June 29  nang may matagpuan na may illegal drugs ito sa kanyang sasakyan.

Naka-set ang arraignment ni Indio on August 29 sa L.A. Superior Court Airport Courthouse.

If convicted, haharap si Indio sa maximum sentence of three years and six months sa kulungan.

Bagama’t malungkot, susuportahan ni Robert ang kanyang anak sa pinagdaraanan nitong problema na naging problema din niya noong nalulong siya sa alak at droga.

“Unfortunately there’s a genetic component to addiction and Indio has likely inherited it. Also, there is a lot of family support and understanding, and we’re all determined to rally behind him and help him become the man he’s capable of being. We’re grateful to the Sheriff’s department for their intervention, and believe Indio can be another recovery success story instead of a cautionary tale,” sey pa ni Robert sa E! News.

vuukle comment

INDIO

INDIO DOWNEY

IRON MAN

JULIE ANNE

KANYANG

KAPUSO

NIYA

RIGHT WHERE YOU BELONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with