^

Pang Movies

Parang MRT na pinipilahan, Sarah-Coco movie patok sa takilya!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Binabati namin ang Star Cinema and Viva Films dahil patok na naman sa takilya ang Maybe This Time na pinagbibidahan nina Coco Martin and Sarah Geronimo which opened last Wednesday, May 28.

Ayon sa post ni Mico del Rosario ng Star Cinema sa kanyang Instagram account, the movie made 20M on its opening day kaya naman super-happy silang lahat.

Kasama ng post ni Mico ang mga larawan ng mahahabang pila ng mga tao sa sinehan kung saan showing ang MTT.

Nagpaabot na ng kanyang pasasalamat ang dalawang bida sa lahat ng mga nanood ng movie sa first day pa lang.

“Ngayon pa lang nagpapasalamat na po ako sa lahat ng mga nanood at manonood ngayong first day!” tweet ni Sarah. 

Aminadong kulang sa ethics

Manilyn natakot makatrabaho si Janno

Bago tinanggap na makaparehang muli, Mane nag-alangan kay Janno.

Sa tinagal-tagal nina Manilyn Reynes at Janno Gibbs sa industriya, ngayon lang sila magkakasama sa isang teleserye, ang My Best Friend Forever (My BFF) ng GMA 7. Puro movies daw kasi ang naging proyekto nila dati bilang magka-love team.

Everybody knows na sumikat din naman nang husto ang Manilyn-Janno love team na nagsimula sa That’s Entertainment. Naging magkasintahan din sila pero hindi rin ito nagtagal.

Nang tanungin nga namin si Mane sa pocket presscon for My BFF, say niya ay short-lived lang daw talaga ang naging relasyon nila at parang 4 months lang daw yata ang itinagal. Mga bata pa raw kasi sila noon.

Excited sila pareho sa bagong proyekto na ito pero aminado rin si Mane, na at first ay naging hesitant siya to accept the project dahil naisip niya na baka laging ma-late na naman si Janno.

“Siyempre, ‘yung ethics, importante ‘yun. Kasi kung ikaw ay punctual, o­thers are not, ‘di ba?

“Nung una, sabi ko rin talaga sa asawa ko (Aljon Jimenez na manager na niya ngayon), “hon, hindi ba kaya ako magkakadeha-dehado sa oras nito?” Alam mo ‘yun?

“Syempre, iniisip mo ‘yun, bilang nanay ka, eh. Paanong uwi ko? Anon’g oras ang alis ko? ‘Di ba? So, sabi niya (Aljon), “hon, you let him be. Tignan mo, kung tingin mo hindi, then tingnan natin where it goes. Pero sa ngayon, you let him be,” patuloy na kuwento ni Mane.

Sinunod niya ang payo ng mister and in fairness, say ni Mane, tama ang asawa niya. Nakita naman daw niya ang effort ni Janno dahil paminsan-minsan na lang daw ito nali-late at ma-late man, hindi naman daw masyadong matagal. At higit sa lahat, nakaka-deliver daw ang ka-love team.

Pero bago raw sila mag-start ay nag-usap naman daw sila ni Janno na sana raw ay maging maayos ang trabaho nila at walang masyadong delays.

“Alam naman niya,” she said.

Magsisimula nang iere ang My BFF sa June 23 at kasama rin dito ang dalawang child stars na sina Jillian Ward and Mona Louise Rey.

vuukle comment

ALAM

ALJON JIMENEZ

COCO MARTIN AND SARAH GERONIMO

DAW

JANNO

JANNO GIBBS

JILLIAN WARD AND MONA LOUISE REY

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with