^

Pang Movies

‘Pag napatunayang may sala, Claudine tiyak kawawa dahil walang pampiyansa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang si Claudine Barretto naman ang nababalikan ngayon ng mga dati niyang kasambahay na idinemanda niyang lahat at pinagbintangang magnanakaw. Bago pa pala mag-Holy Week iyon, nang balikan ng kanyang mga kasambahay at tinanggap naman ng Marikina Trial Court ang kasong robbery laban sa aktres. Ang nagsampa naman ay mga dati niyang kasambahay na kinilalang sina Jennifer Murillo at Malou Decher, noon ay idene­manda niya at pinagbintangang nagnakaw ng painting at mamahaling bag sa bahay niya.

Nabasura naman ang kaso ni Claudine laban sa dalawa nang ang kanyang asawang si Raymart Santiago mismo ang tumestigo na ang nawawalang painting at bag ay sa kanya, at hindi ninakaw  ng mga katulong kundi dinala niya nang layasan niya ang asawang si Claudine. Dahil doon nabasura nga ang demanda ni Claudine at ngayon siya ang binabalikan ng robbery dahil diumano kinuha pa niya ang cellphone ng dalawang kasambahay bago niya pinalayas ang mga iyon.

Nauna riyan, nagsampa rin ng demanda ang dati niyang alalay na si Dessa Patilan na pinagbintangan din niyang nag­nakaw at ipinakulong pa nang halos sampung buwan. Wala kasing nag-asikaso kay Patilan na wala na raw kaanak. Natulungan lamang si Patilan nang ihingi ng tulong ni Gretchen Barretto sa isang kaibigan nilang abogado, dahil na rin sa awa. Siya rin ang nagbigay ng animnapung libong piyansa para makawala si Patilan na nagharap din ng demanda laban kay Claudine. Sinabi naman noon na kinuha ni Claudine ang kanyang naipong sampung libong piso, isang tablet, sim card, at iba pa.

Mukhang si Claudine naman ang nababalikan ng mga idenemanda niya noong araw.

Ang problema ni Claudine, hanggang ngayon ay jobless pa rin siya. Wala pang nasisimulan alin man sa sinasabi niya noong gagawin niyang pelikula sa Star Cinema at Viva. Maging sa sinasabi niyang gagawing serye sa telebisyon ay wala ring balita. Mabuti na lang hindi rin niya binabayaran ang kanyang abogado, dahil pro bono lang naman ang lahat ng kaso niya. Kaso kung sasampahan siya ng mga ganyang problema, at magpalabas ang korte ng warrant, sino ang magbibigay ng piyansa niya? Piyansahan kaya siya ng abogado niya, o magpapapiyansa rin siya kay Gretchen?

Mayor Erap mas may ibubuga?

Aba, natutuwa na naman ang maraming taga-showbiz. Kasi naayos na ni Mayor Erap ang problema ng mga Pilipino sa Hong Kong. Iyong galit naman ng Hong Kong ay nagsimula sa palpak na handling ng mga opisyal sa bus hostage taking sa Luneta, kung saan namatay ang maraming Hong Kong nationals.

Sabi na sa inyo eh, kung minsan naiisip namin mabuti pa si Mayor Erap.  

Aktor aminadong sablay sa mga diskarte

Sabi raw ng isang friend namin sa isang male star, “Nagagalit sa iyo si Ed de Leon dahil ang ta­nga-tanga mo raw.” Ang sagot naman daw ng male star, “Seryoso iyon kasi talagang galit iyon basta gumagawa ako ng katangahan.”

At least inaamin naman pala niya ang katangahang ginagawa niya, na ang ending siya rin naman ang nababalikan. Iwasan ang katangahan please lang.

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DESSA PATILAN

HONG KONG

MAYOR ERAP

NAMAN

NIYA

PATILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with