Sharon, Juday, iba pang sikat, laglag sa mural ng MMFF 50
MANILA, Philippines — Pormal nang inilunsad kahapon ang pag-uumpisa ng Sinesigla sa Singkuwenta para sa pagdiriwang ng 50th Metro Manila Film Festival.
Kahapon ay nagkaroon ng unveiling ang Mural ng mga bida ng mga pelikulang nag-number 1 at Hall of Famer sa Metro Manila Film Festival sa loob ng 50 years.
Nasa mural sina Fernando Poe Jr., Nora Aunor, Vilma Santos, Joseph Estrada, Vice Ganda, Vic Sotto, Christopher de Leon, Amy Austria, Cesar Montano, Dolphy, Gloria Romero, Maricel Soriano, Anthony Alonzo, at ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Laglag nga sa listahan ang tulad nina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, at iba pang may pangalan at sikat pero walang MMFF entry na nag-number 1 sa takilya.
Kaya naman naka-display ang mga mukha nila sa EDSA at makikita lahat ng mga dadaan doon na ipininta ng mga estudyante ng iAcademy.
Habang sa Sept. 25 ay mag-uumpisa nang mapanood sa mga sinehan ang mga classic film na naging bahagi din ng MMFF sa loob ng limang dekada.
“Gusto po naming ibalik doon ang mga pelikulang ito para manumbalik ‘yung kanilang mga alaala sa mga napakagagandang pelikula, at ‘yung memories nila habang nanonood ng sine sa mga sinehan.
“Ganundin sa young generations naman, para ipakita sa kanila ‘yung history ng pelikulang Pilipino, particularly ng MMFF, na sa loob ng limampung edisyon or sa 50 years ng MMFF ay nakagawa po tayo ng napakagandang pelikula na dapat po nilang mapanood at makita, at maging part din po ng kanilang memories. ‘Yun po ‘yung gusto po naming ma-achieve,” saad ni MMDA Chairman Romando Artes sa ginanap na press launching Sine Sigla sa Singkwenta.
May kabuuang 50 MMFF movies na sumasaklaw sa iba’t ibang genre – drama, comedy, action, horror, romance, adventure, historical, musical, at fantasy – ang ipapalabas sa mga piling sinehan sa buong bansa mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 15.
“With the Sine Sigla sa Singkwenta screenings, we will bring some of the most memorable MMFF films back to the big screen for just 50 pesos, allowing both new audiences and long- time fans to experience the magic of those beloved films once again. These films represent some of the best of what the MMFF has offered over the past five decades,” sabi pa ni Chair Artes kahapon.
Ang ilan sa mga napiling pelikula ay sumailalim sa proseso ng pag-restore, pagpapahusay ng kalidad, at remastering para sa mas maganda ang karanasan sa panonood.
Sa kabilang banda, ang ilang mga pelikula ay pinanatili sa kanilang mga orihinal na kopya upang magkaroon ng koneksyon sa nakaraan ang ibang manonood.
Gayundin, ang mga proseso ng conversion ay kailangang gawin upang matugunan ang mga kinakailangan ng mga sinehan. Ang ilang mga pelikula ay kailangang i-convert naman mula sa pelikula patungo sa digital na format upang matiyak ang pagiging tugma sa kasalukuyang kagamitan sa projection.
“Screenings are for a limited time only, so do not miss this chance. The return of iconic MMFF movies offers the younger generation an opportunity to learn about the cinematic masterpieces of the past. This will also engage audiences who may have missed these films during their original releases,” sabi pa ni Chair Artes.
Umaasa silang dadagsain ng mga manonood ang mga ipalalabas na klasikong pelikula sa halagang P50 pesos lang,
- Latest