Pokwang, nasaid din ang pera
Naloka si Pokwang dahil paggising daw niya isang umaga ay nasimot na ang pera niya sa kanyang online wallet.
Ibinahagi ng komedyana ang kanyang masaklap na karanasan kahapon sa kanyang Instagram account.
“Naghahanap buhay po ako ng marangal nagbibigay po ako ng hanap buhay sa mga single mom, tapos isang umaga pagka gising mo simot ang laman ng GCASH accnt???” simula ni Pokwang.
Kalakip ng kanyang post ay ang mga screenshot ng transaction na ginawa sa kanyang GCash account na aniya ay hindi siya ang nagpadala. Makikita rito ang iba’t-ibang numero na pinadalhan niya umano ng P2,000 each.
“Ibat ibang number na hindi naka rehistro halos nasa 30 numero na hindi naka rehistro!!! ano nangyare sa registered sim policy ngayon?” saad pa ni Pokwang.
Lungkot na lungkot ang komedyana dahil pinaghirapan niya raw ang perang ‘yun na mula sa kanyang pagnenegosyo.
“Nakakaiyak binangon ko mag isa ang negosyong pinabayaan ng taong inasahan ko pinag katiwalaan ko pati ba naman dito naisahan parin ako? nakakaiyak talaga sana naman @gcashofficial tulungan nyo mga kagaya kong naghahanap buhay ng patas at nagbibigay ng hanap buhay din,” aniya.
Naglabas naman ng pahayag ang GCash at sinabing “We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing.”
Apektado nga raw ang ilang GCash users dahil sa errors sa ongoing system reconciliation process.
- Latest