^

Pang Movies

Ricardo Cepeda, nakalabas na ng kulungan!

Salve V. Asis - Pang-masa
Ricardo Cepeda, nakalabas na ng kulungan!
Ricardo

MANILA, Philippines — Finally, nakalabas na pala ng kulungan ang actor na si Ricardo Cepeda pagkatapos ng halos isang taon  sa Cagayan Provincial Jail sa Tuguegarao City.

Mismong ang partner niyang si Marina Benipayo ang nagbigay ng imporrmasyon sa paglaya ng aktor sa kanyang social media accounts.

Ini-upload niya ang isang video sa kanyang Instagram at Facebook accounts na makikitang nagsasayaw sila ni Ricardo sa kanta ni Elvis Presley na Don’t be Cruel.

“Richard is coming home, finally!!!! Thank you, God for your conti­nuing guidance, never mo kami pinabayaan despite the challenge. Thankful for the strength you have given us throughout. Thank you everyone also for your prayers,” habang sumasayaw-sayaw sa kanyang FB account.

Aniya naman sa kanyang IG, “#11months and finally, he’s going home! God is Good! Thank you, everyone for your prayers.”

Sinampahan nga ng syndicated estafa si Ricardo matapos masangkot ang kanyang pangalan sa isang uri ng investment scheme. Inaresto ang aktor ng mga pulis noong Oct. 7, 2023 sa Caloocan City.

Itinanggi ito ni Ricardo at sinabing wala siyang kinalaman sa anumang investment scheme ng isang kumpanya dahil endorser lang siya ng herbal products na diumano’y nangbudol sa mga investor.

Ang syndicated estafa ay isang non-bailable offense sa ilalim ng Art. 315, (2) (a) ng Revised Penal Code kaugnay ng Presidential Decree No. 1689, at may pinakamataas na parusa ng habambuhay na pagkakakulong, kapag napatunayan nang walang makatwirang pagdududa na “ang panloloko (estafa) ay ginawa ng isang sindikato na binubuo ng lima o higit pang mga tao na nabuo na may layuning isagawa ang labag sa batas o ilegal na gawain, transaksyon, negosyo o pamamaraan.”

Pero obviously nakaapela ang kampo ni Ricardo kaya’t nakalabas siya.

Ahwel at Jhai Ho, may iimbestigahan sa kanilang programa

 Nagsasanib-pwersa muli sina Ahwel Paz at Jhai Ho para ihatid ang mga maiinit na balita mula sa mundo ng showbiz, pati na rin ang mga kwento tungkol sa iba’t ibang side hustles o raket ng mga artista sa Showbiz Sidelines.

 Layunin ng Showbiz Sidelines, na umeere tuwing Lunes hanggang Biyernes 9:00 ng gabi sa Radyo 630 at napapanood sa Teleradyo Serbisyo sa TV, na bigyan ang viewers ng ‘showbiz chika’ at ‘showbiz kita,’ ayon kina Ahwel at Jhai Ho.

 “Para magkaroon ng ibang flavor ‘yung programa, sinamahan natin ng side hustles. Very interesting na malaman [ng viewers] na ‘yung mga hinahangaan nilang mga artista ay meron din silang pinagkakaabalahan sa likod ng camera,” ani Ahwel.

 Ayon naman kay Jhai Ho, maganda ang working relationship nila ni Ahwel dahil maayos ang kanilang samahan noong nagkatrabaho sila dati.

 “Maganda ‘yung naging foundation namin. One thing na talagang gustong gusto ko is before mag-start ‘yung programa, we make sure ni Papa Ahwel na mag-usap na dapat masaya lang, dapat GV [good vibes] lang tayo, kung may hindi tayo bet sabihin natin agad sa isa’t isa,” kwento ni Jhai Ho.

Romnick, pinag-aaralan ang ugali ng mga Gen Z

Excited si Romnick Sarmenta na makatrabaho ang henerasyon ng young stars ngayon ng GMA 7. “Kasi kaedad nila ‘yung mga anak ko. It gives me an insight into how I can better understand my own children,” pagbabahagi ni Romnick sa isang panayam.

Tampok nga ng exciting blend ng teen drama at musical elements, inihahandog ng GMA Public Affairs ang MAKA – ang pinakabagong youth-oriented series ng Kapuso Network.

Magsisimula ito ngayong Sept. 21 at mapapanood tuwing Sabado, sa ganap na 4:45 p.m.

 Bibida sa MAKA ang mga Gen Z actor, kabilang ang Sparkle stars na sina Zephanie, Ashley Sar­miento, at Marco Masa, kasama ang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, Chanty Videla mula sa K-Pop group na Lapillus, at May Ann Basa na kilala rin bilang Bangus Girl.

 Dagdag pa ni Romnick : “It gives me the opportunity to learn more about their generation and their individual stories. Hopefully, I can share some of my own experiences that might be helpful to them.”

Pero galit ang aktor dahil usung-uso na ang bashers ngayon na sinasabing nakakaapekto sa mental health ng maraming kabataan.

“Wala kaming social media noon. We were not open to baseless comments. Ito sinasabi ko sa lahat, na itong mga batang ito, masyado silang susceptible sa mga basher, sa negative comments. At gustuhin man natin o hindi, it affects them. And that’s the sad part, because…I’m not trying to sound irreverent or something…

 “Pero noong panahon namin, people are brave enough to come to our face and say they don’t like us, and I appreciate that, kasi alam mo ang ginagawa mo, kung ano ang sinasabi mo sa akin, at hindi ka natatakot.

 “So, that’s really your opinion, and I can respect that. Pero ‘yung ngayon, sa social media, may mga nagko-comment, para lang may masabi.

“And they bash people they don’t know anything about, na hindi pa nila nakikilala, and it affects them.

 “Ako as a parent, I hate it, at naawa ako sa mga anak ko kapag nakakatanggap sila ng mga ganun,” sabi pa ng aktor na successful bilang isang artist, bumalik si Sir V (Romnick) sa kanyang bayan at mabigat man sa kanyang loob ay tinanggap ang posisyon sa pagtuturo sa isang lokal na pampublikong paaralan – ang MAKA.

Kasama ni Romnick ang kapwa alumni ng That’s Entertainment na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa. Kabilang din sa all-star cast ang beteranang aktres na si Carmen Soriano.

RICARDO CEPEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with