Heart, may patutsada sa ‘edited invitation’
Balik-fashion week na si Heart Evangelista dahil kasalukuyan siyang nasa Italy para sa Milan Fashion Week base sa kanyang Instagram posts.
Matatatandaan kasing hindi siya dumalo ng New York Fashion Week recently dahil marami raw siyang work sa Pilipinas. Sinabi rin niyang tinatamad na siyang magtungo sa mga FWs at magpo-focus daw muna siya sa pag-arte.
Kaya naman marami ang nag-akala na hindi na muna siya dadalo ng FW at ikinalungkot nga rin ng iba niyang followers na nag-aabang ng posts niya sa ganitong event.
Anyway, sa isang video na ipinost niya ay ipinakita pa niya ang welcome card na ipinadala sa kanya ng fashion designer na si Kim Jones.
Binasa ni Heart ang welcome card at nakasaad dito na “Dear Heart, welcome to Milano. Love, Kim Jones.”
Sey pa ni Heart, “I love Kim and this is not edited.”
Parang may pinatatamaan ang aktres sa kanyang sinabi at pati ang netizens ay tawa nang tawa. Sey pa ng iba, palaban na raw siya ngayon.
Ang isang nakakatuwa ay ang ex-wife ni Jericho Rosales na Kim Jones din ang name ang na-tag ni Heart kaya pinuna ito ng isang netizen.
“Mamsh ex ni echo natag mo @iamhearte,” komento ng follower ni Heart.
Sagot naman ni Heart, “Hehehe I know ok lang friends naman Kami !:) hehe.”
Sa mga hindi nakakaalam ex-boyfriend din ni Heart si Echo. Naging sila during their younger years at tumagal din ng three years ang kanilang relasyon.
James nadi-depress, nanghihingi ng peace of mind
Inamin ni James Reid na marami naman siyang natutunan nang mag-shift siya ng career at magpahinga muna sa pag-arte.
Matatandaang at the height of his acting career ay nagdesisyon ang aktor na mag-focus muna sa music at nagtayo ng music label na Careless Music.
Paliwanag ng aktor/singer, at that time raw kasi na nasa loveteam siya with ex-girlfriend Nadine Lustre ay naramdaman niyang parang nawawalan na siya ng identity.
Marami man daw siyang pagsubok na hinarap ay masaya naman siya dahil marami siyang natutunan.
“I discovered a lot of myself through music, through doing business, through going through challenges, dealing with people like Jeff (Jeffrey Oh, ang dati niyang business partner) and going through all of this mess and still coming out the other side, I’ve learned a lot. And I’m very happy with my music right now, things are going very well,” pahayag ni James sa panayam sa vlog ni Ogie Diaz.
Ngayong nagawa na niya ang mga gusto niyang gawin ay ready na nga raw siyang bumalik sa pag-arteng muli.
“I’m excited to do acting again, most likely by next year, early next year,” he announced.
When asked kung posible bang magbalik din ang JaDine loveteam, natawa si James at diretso niyang sagot, “I don’t think that’s happening.”
Aware naman siya na nandiyan pa rin ang JaDine fans at ipinagpapasalamat naman niya ito. Pero bilang respeto na rin daw sa girlfriend niyang si Issa Pressman, hindi na muna raw siya siguro babalik sa love team.
“But you know, out of respect for my girlfriend, Issa, I don’t think I’d ever do another love team. I think, a lot of the audience can tell reality from showbiz when it comes to love team.
“So, you know, I have respect for her. I don’t think I’d ever do that again. But acting, definitely,” he said.
Sa huli ay may pakiusap si James sa fans nila.
“It’s been a very difficult year for me, also for Issa, and I’m sure, for Nadine also. So just with all the noise, all of the bashing, sana people can move on from all of that,” pahayag ng aktor.
“I have to be very honest. For me, witnessing all of the bashings, nakaka-depress siya to be honest. And I hope people can move on and just please give us peace of mind,” pakiusap ni James.
- Latest