^

Pang Movies

James, natangayan ng P100 M ng kasosyo?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
James, natangayan ng P100 M ng kasosyo?!

Nagsisimula pa lang mag-ambisyon si Liza Soberano na siya ay magiging isang Hollywood star dahil asang-asa sila sa Koreanong si Jeffrey Oh na nagsabi, nagtatawa na kami.

Iba ang Hollywood. Hindi madaling maging star diyan. Oo maganda si Liza kaya nga mabilis siyang naging star sa Pilipinas, pero sa Hollywood, mara­ming magaganda at isa lang siya sa kanila.

Hindi nga nagtagal, nahuli si Jeffrey Oh ng Bureau of Immigrations dahil nagnenegosyo siya sa Pilipinas nang walang permit at maging ang ginagamit niyang tourist visa ay may problema. Nakulong siya pero nakapagpiyansa.

Pero noon pa man buo na ang aming hinala, naloko niya si James Reid.

Noong nag-iimbestiga na sila James, walang sabi-sabing umalis na lang patungong LA si Jeffrey Oh, at ipinasabi na lang sa isang kaibigan na ayaw na niyang makausap ang sino man sa grupo ni James.

At isandaang milyon diumano ang natangay sa pera ni James.

Ngayon aminado si James na nabudol siya ng Koreano. Careless decision kasi ang pagtatayo niya ng Careless Music.

Guwapo pa rin naman si James. May gagawin daw siyang serye sa ABS-CBN.

Kawawa si James Reid. Kung tutuusin dapat isa iyan sa mga sikat pa hanggang ngayon. Matinee idol eh kahit na bulol mag-Tagalog nakakaarte naman.

‘Yun nga lang, nag-ambisyon ng masyadong mataas.

KC, ‘di kayang tanggihan si Gabby!

Umaasa raw si Gabby Concepcion na makakasama rin si KC at magiging guest sa mga Dear Heart concerts na gagawin nila ni Sharon Cuneta sa US at Canada.

Malaking bagay nga naman iyon kung nandun si KC. Hindi ba noong maging guest din siya sa Manila concert nila, isa iyon sa bahaging hindi makalimutan ng mga tao. Para sa kanilang fans, ang makita na kahit na isang concert lang na buo ang kanilang pamilya ay napakalaking bagay na.

Tiyak iyon, mas maraming manonood kung nandun din si KC.

Masaya rin kasi siyang kahit na ilang sandali lamang ay buo ang kanilang pamilya na hindi niya nakagisnan. Tatlong taong gulang pa lang si KC nang maghiwalay sina Gabby at Sharon.

At siguro nga kung si Gabby ang hihiling kay KC na mag-guest rin sa concert nila, hindi naman tatanggi iyon. Ganoon ka-close ang mag-tatay.

vuukle comment

JAMES REID.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with