^

Pang Movies

Female host ng news program nagmumukhang pokpok sa sobrang pagpapa-sexy

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Hanggang ngayon ay ayaw rendahan ng mga producer ng news programs ang kanilang female hosts, tungkol sa tamang pananamit. Meron pang mga TV personality na sa halip na magmukhang disente sa kanilang show, tila galing sa nitespot ang hitsura.

Kahit ang mga guest sa isang programa ay mga disente, nadi-distract pa rin ang attention kapag ang kaharap ay mga exposed skin na hindi nararapat. Higit na malaking disgrasya kung may replay sa tanghali ang palabas. Mukhang inumaga na sa night club ang host!

Sanay na kasi sa mga news show na ang nasa showbiz portion ng kanilang programa ay ayos GRO. Kulang na lang lumuha ang malaking boobs sa sobrang pagpapa-sexy. Ngayon, pati pala mga mismong host ng news and public affairs show, mukhang trying hard na mapansin!

Plano ni Daniel sa debut ni Kathryn walang nakakaalam

Ang gusto ni Kathryn Bernardo, mag-tour silang mag-anak sa Europe for her birthday celebration. Ayaw na niya talagang mag-party. Maraming nagsabi sa kanya na dapat maging very memorable ang kanyang turning 18.

Naging higit na okay sa kanya na magdaos ng pagdiriwang para sa lahat ng kanyang fans.

Sa March 26 ang totoo niyang 18th birthday pero sa March 29 ang kanyang debut party. Hindi niya gaanong alam kung anu-anong paghahanda ang ginagawa ng kanyang mga tagahanga.

Sa side naman ni Kathryn, wala rin siyang idea kung may sorpresang nakalaan sa kanya si Daniel Padilla. Siyempre hindi naman ang gift ang hinihintay niya. Gusto lang niyang malaman ang partisipasyon ng kanyang ka-love team sa TV at pelikula.

Nananatili ang element of surprise dahil si Daniel mahusay ding magtago ng sikreto. Kahit siguro siya ay may inihandang very special, tiyak na siya lang ang nag-shopping at walang nakakita kung anuman ito.

Sa mga isusuot niya sa debut, hindi gaanong binigyan ng importansiya. Sinigurado ni Kathryn na magiging masayang lahat ang dadalo.

Mutya Datul instant yaman

Noong magwagi si Mutya Johanna Datul ng Miss Supranational title last year ang akala niya ay walang prize money. Nang sabihin sa kanyang 25,000, ang idea niya ay sa pesos na ito.

Nang tanungin siya kung gustong i-convert ang US$25,000 into Php, sobra ang saya niya dahil sobrang daming pera ’yon! Ang maiputong sa kanya ang Miss Supranational 2013 crown, besting more than 120 entries from all over the world, ay walang katumbas na pera para kay Mutya.

Ngayong isasalin na niya ang kanyang Bb. Pilipinas crown sa bagong successor, alam niya na unlimited ang possibilities na naghihintay sa kanya. Nagsisimula na ang maraming endorsements at pinag-aaralan pa ang mga TV and mo­vie offers.

Ang unang gustong gawin ni Mutya, magawa niyang lahat ang mga bagay na hindi niya nagawa noong kanyang one-year reign. Kasama kaya rito ang more time for her boyfriend?

Cherie Gil kailangan ng matinding seguridad sa kanyang stage play

Dapat magkaroon ng isang grupo ng mahusay na security men si Cherie Gil sa fashion night ng Full Gallos, ang play tungkol kay Diana Vreeland, editor-in-chief ng Vogue at Harper’s Bazaar na naging paborito ang pagsusuot ng Bulgari.

Sa nasabing pagtatanghal kasi sa Carlos P. Romulo auditorium on Saturday evening, isusuot ng aktres ang genuine na Bvlgari diamond bracelet and neckpiece.

Magkano kaya in pesos ang halaga ng mga nasabing alahas?

Kailangan ang full security sa venue dahil tiyak na pati ang mga matronang manonood ay hindi pakakabog sa mga suot sa entablado ni Cherie Gil.

Tulad ng isang kasalan ng mayayamang angkan, maglalabasan ang mga antigong diamond jewelry, mga kilo-kilong ginto, at iba pang mamahaling hiyas sa gabing ito.

vuukle comment

CARLOS P

CHERIE GIL

DANIEL PADILLA

DIANA VREELAND

FULL GALLOS

KANYANG

KATHRYN

MISS SUPRANATIONAL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with