^

Pang Movies

Anak nag-pramis na sa isang babae lang Kris nagdasal nang tanungin ni Bimby tungkol sa pakikipag-sex niya sa tatay nila ni Joshua

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kaaliw naman ang kwento ni Kris Aquino sa kanyang morning show na Kris TV kahapon tungkol sa tanong sa kanya ng bunsong anak na si Bimby.

 â€œKagabi, Diyos ko, 90 million questions kagabi. Sabi ko, itong holiday na ‘to, pag walang school, kung anu-anong tatanungin,” kwento ni Kris.

“When guest Toni Gonzaga asked kung ano ang mga itinanong ni Bimby, say ni Kris, “Oh my goodness. You have to ano this, lalo na when you have a child who’s curious, talagang sagutin mo nang diretso.”

At nakaka-shock naman talaga ang question ni Bimby.

“Sabi niya, “Mama, so Kuya (Joshua) and I have different Papa’s right? So that means, you had sex with two men? Kaloka! Sabi ko talaga, “oh my God!” Nagdasal ako, sana, tama ang isagot ko,” pa­tuloy na kuwento ni Kris.

At heto naman daw ang kanyang naging sagot:

 â€œYeah, Bimb, I was confused. I was wrong. You should stick to one.”

At sagot naman daw ng anak, “Me, I’m gonna have one wife and I’m only going to sleep with one woman.”

In fairness, tama lang naman ang sagot ni Kris sa anak. Sa halip na iwasan ang tanong ay ipinaliwanag niya kay Bimb na mali ito at huwag niya dapat sundan.  

Cristy Fermin aliw na aliw kay Ryzza Mae

Naaliw ang TV host na si Cristy S. Fermin kay Ryzza Mae Dizon nang mainterbyu niya ito sa Cor­­nered by Cristy segment niya sa Showbiz Police. Paano kasi, sa halip na bumeso sa kanya ang bagets ay nagmano ito.

Probinsiyana raw pala kasi ang child superstar, tubong-Pampanga and Quezon at pagmamano sa mga matatanda ang nakagisnan.

 â€œNagki-kiss pa rin naman po ako, pero mas gusto kong nagmamano. Respeto po kasi ‘yun sa mas nakatatanda,” say ni Ryzza sa TV host.

Maraming napag-usapan sina Ryzza at Nay Cristy at bilib na bilib ang TV host sa child star dahil parang matanda nga talagang magsalita. No wonder, tinatawag siyang Aleng Maliit.

Pero more than her maturity, isang bagay na lumutang sa panayam ay bata pa rin si Ryzza na mahilig maglaro.

Sa kanyang morning show na The Ryzza Mae Show ay pinababayaan pala siya sa studio na maglaro nang maglaro. Maraming dala-dalang laruan ang bagets at hinihintay siya ng staff na matapos maglaro.

Pagkatapos maglaro ay saka pa lang daw siya kukuwentuhan ng wri­ter kung ano ang gagawin sa show. Meaning, hindi naman inaagaw kay Ryzza Mae ng pagiging artista niya ang kanyang childhood dahil may oras pa rin siya para ma-enjoy ito.

Katuwa rin ang explanation ni Ryzza sa pinauso niyang “look up”.

 â€œGinagawa lang po namin ‘yun para mawala ang mga taba-taba namin sa leeg,” say ni Ryzza.

Ha-ha-ha! Oo nga naman.

Ang panayam ni Ryzza sa Cornered by Cristy ay nagsimula nang umere last Tuesday at mapapanood ito hanggang Biyernes sa Showbiz Police ng TV5, at 4 p.m.

Kahit wala na sa showbiz, Melanie sikat pa rin

Kahit hindi na aktibo sa showbiz ang former beauty queen/supermo­del na si Melanie Marquez, nakakatuwang hindi pa rin siya nakakalimutang imbitahan para mag-guest sa iba’t ibang TV shows at mga events natin.

Tulad na lamang sa gaganaping first-ever Parade of Lights sa Ta­nauan, Batangas ngayong Sabado, March 8. Inimbitahan si Melanie ni Tanauan Mayor Tony Halili para maging judge ng affair with Patrick Garcia, Dra. Vicki Belo and kapatid sa hanap-buhay na si Jobert Sucaldito.

Dalawampu’t anim ang maglalaban-labang floats sa naturang Parade of Lights, kung saan ay malalaking prizes ang naghihintay para sa ma­nanalo.

vuukle comment

ALENG MALIIT

BIMB

BIMBY

NAMAN

PARADE OF LIGHTS

RYZZA

RYZZA MAE

SABI

SHOWBIZ POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with