^

Pang Movies

Bukod sa hindi pa kayang mag-solo, utak ni Vhong kailangang i-check kung naapektuhan sa pambubugbog!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Alaga ng pamilya at kaibigan si Vhong Na­varro kumpara sa nag-akusa sa kanyang si Deniece Millinette Cornejo na hinahanapan ng magulang sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon.

Ayon sa interview sa manager ni Vhong na si director Chito Roño, nandoon pa rin ang takot sa alaga na traumatic ang pinagdaanan. Naoperahan man sa ilong ang host-actor, meron pa rin daw siyang iniindang sakit na kailangang tingnan ng doktor sa bahagi ng utak niya. Baka kasi nagkaroon ng blood clot ang parteng ’yon.

Komo nga higit na dumarami ang threats kay Vhong nang magdemanda siya, humingi na ng security ang aktor hindi lang sa sarili kundi maging sa pamilya niya.

Sikat na aktres nguya nang nguya habang ini-interview

Nagulantang ang isang female TV host sa tanong ng kasambahay na napanood ang interview ng amo sa sikat na aktres.

“Ate, nagpabunot ba ng ngipin si _________? Nguya kasi siya nang nguya sa TV,” sabi ng maid of cotton ng host.

Walang naisagot ang TV host kundi, “Gaga!”

Sari-saring espekulasyon kasi ang kumakalat sa dinaanan ng aktres. Nariyang nagparetoke siya at merong bawal na gamot pang involved. ’Yun nga lang, maging ang TV host ay hindi naglakas ng loob na tanungin ang aktres tungkol sa isyung ’yon.

vuukle comment

ALAGA

AYON

CHITO RO

DENIECE MILLINETTE CORNEJO

KOMO

NAGULANTANG

VHONG

VHONG NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with