Sarah, nag-display ng alindog

MANILA, Philippines — Nag-display ng alindog si Sarah Lahbati.
Aniya sa post kalakip ang kanyang snaps na naka-red two piece bikini: “always escaping the city. home away from home.”
Ang dami naman kaagad pumuso sa nasabing post niya.
Bago ito ay binati ng actress ang anak na si Kai na nag-celebrate ng 7th birthday na binigyan naman ng malaking birthday party ni amang si Richard Gutierrez. “seven years of pure joy and love my angel sunshine kai,” post ni Sarah sa photos nila ng youngest nila ng ex husband.
Ogie, nag-piano nang libre sa mall
Inaalay ng OPM hitmaker na si Ogie Alcasid ang bago niyang kanta na Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo? sa mga nasawi sa pag-ibig.
“This one goes out to the brokenhearted. The ones who need a real hug right now,” sabi ni Ogie sa Instagram.
Ang It’s Showtime host at isa sa ASAP icons ang siyang sumulat ng mapanakit na kanta na tungkol sa pagsisisi at what-ifs pagdating sa pag-ibig.
Siya rin ang nagprodyus nito katulong ang ABS-CBN Music creatives, content, and operations head na si Jonathan Manalo.
“The journey of writing songs about love will never end,” pagbabahagi ng Kapamilya singer-songwriter sa isa pang social media post.
Bago ang opisyal na paglulunsad nito, ipinarinig ni Ogie ang latest Star Music release sa pamamagitan ng boluntaryong pagtugtog ng piano at pag-awit sa isang mall sa Makati City.
Naglabas din siya ng iba’t ibang videos ng Kapamilya stars na sina Yeng Constantino, Fyang Smith, Rain Celmar, Kai Montinola, Jarren Garcia, JM Ibarra, at Jackie Gonzaga na naglalarawan ng kani-kanilang mga ‘sana’ hango sa mensahe ng kanta.
Napapakinggan na ang Hanggang Dito Na Lang Ba Tayo? single ni Ogie sa iba’t ibang music platforms.
Miss Universe, makikipag-chikahan sa mga Pinoy
Nakatakda palang bumisita sa Pilipinas ang reigning Miss Universe, Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig.
“Where warm hearts meet beautiful islands, and memories are made. Philippines, are you ready?” post ng account ng Miss Universe sa Instagram.
Base sa post, nakatakda siyang dumating ngayon at mananatili dito hanggang Marso 30.
Nauna na niyang binisita ang India bilang bahagi ng kanyang activity sa Miss Universe.
Dumaan na rin siya sa Thailand, ang host country ng nalalapit na Miss Universe pageant.
Well, totoo lang, parang nabawasan na rin ang excitement sa Miss Universe dahil sa mga kontrobersiya nito sa nakalipas na dalawang taon.
Robin, sinisingil ng pagod at puyat
Sinisingil na ng pagod at puyat si Sen. Robin Padilla.
Aniya sa isang post : “Taking its toll. Naniningil na po,” kalakip ng mga iniinom na medisina.
Kaya naman, inulan siya ng mga mensaheng palakas siya at gumaling kaagad.
Kasalukuyan pa ring nasa The Hague, Netherlands ang aktor / pulitiko upang alalayan ang kanyang tatay Digong na patuloy pa ring iniimbestigahan ng ICC.
Halata naman sa mga mata nito ang pagod at puyat doon.
Ruru, may mga bagong makakasama; John, reresbak sa pagkamatay ng anak!
Excited na ang netizens sa mga bagong mukhang ipapakilala sa Lolong dahil tiyak daw na mas magiging maaksyon pa ang serye ni Ruru Madrid. May mga pasilip na nga sa mga bagong karakter na mapapanood soon sa Kapuso primetime show. Tumama naman kaya sila sa kanilang hula?
Naku, mas kapana-panabik pang lalo ang mga eksena lalo na at sinisisi ni Julio (John Arcilla) kay Lolong (Ruru) ang pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na anak.
Nabawi na kasi ni Lolong ang Ubtao kay Julio sa gitna ng pakiusap ng huli dahil kailangan nito ang mahiwagang hiyas para sa kanyang anak na may malubhang sakit. At sa galit ni Julio, mata sa mata ang gagawin n’yang paghihiganti.
- Latest