Lea, pumayag mag-guest sa cleaning lady

Nakatakdang lumabas sa isang special guest villain role si Lea Salonga sa season 4 ng Fox series na The Cleaning Lady.
“I tend to be associated with women that have a heart of gold or women who are heroic or women who are much softer and without any sort of cruel intentions. To play somebody that is not likable is a lot of fun,” sey ni Lea sa exclusive interview with HuffPost.
Inamin ng Tony Award winner na hindi siya pamilyar sa series na The Cleaning Lady. Noong i-research niya ito, nagkaroon siya ng interes sa series dahil most of the cast ay binubuo ng Southeast Asian actors.
Isa pa raw sa ikinatuwa niya sa series ay hindi lang daw ito tungkol sa experiences ng Southeast Asian people but also about Southeast Asian women.
“Now for me to come in as a woman from Southeast Asia, as a woman from the Philippines, and kind of getting into this mix, it’s just one episode, but it’s like it’s nice to be able to center women’s stories and the stories of women of color. And it’s incredibly empowering to be a part of something like this.”
The Cleaning Lady is an American crime drama series based on the 2017 Argentine television series La Chica que limpia. Pinagbibidahan ito ng French actress na si Élodie Yung as Thony De La Rosa, na gumaganap bilang Cambodian-Filipino surgeon in Manila but now is trapped in Las Vegas as an undocumented immigrant. Nagtrabaho siya bilang “cleaner” ng mob para mapagamot niya ang kanyang anak.
Ang iba pang Filipino actors na lumabas sa The Cleaning Lady ay sina Martha Millan, JB Tadena, Ruby Ibarra at Princess Punzalan.
Sanya, may pahabol na chika sa breakup nina Jak at Barbie
Inamin ni Sanya Lopez na nalungkot siya noong makarating sa kanya ang balitang hiwalay na ang Kuya Jak Roberto niya sa best friend niyang si Barbie Forteza.
Tinuring na raw niyang sister-in-law si Barbie dahil seven years na ang relasyon nila ng Kuya Jak niya kaya nagulat siya na naghiwalay pa ang dalawa.
“Masakit para sa akin kasi nasaksihan ko ‘yung love story, kung paano nagsimula sila as friends hanggang sa manligaw na si kuya at naging sila. Akala ko kasi sila na talaga,” sey ni Sanya sa mediacon ng pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan ng GMA Pictures.
Wala pa raw siyang nakakausap since Jak and Barbie’s breakup, pero handa raw siyang pakinggan ang mga puwede nilang i-share sa kanya.
“Nandito lang ako para sa kanilang dalawa. Handa akong makinig sa kanila. Kami naman ni kuya, minsan mangungumusta ‘yan sa text. Pareho kasi kaming naging busy kaya hindi kami nagkikita o nagkakausap.”
ELLE, NARAMDAMAN KUNG PAANO MAMATAY
Hindi naiwasan ni Elle Villanueva na maging emosyonal nang balikan ang near-death experience niya sa Switzerland kunsaan nagbakasyon sila ng boyfriend niyang si Derrick Monasterio.
“Kasi peak ‘yun eh. So akala ko, mapupunta na ako sa pinakababa or maybe malaglag na lang talaga ako or hindi ko alam. Akala ko last moments of my life na ‘yun, but at the same time nasa survival mode ako na naghahanap ako ng makakapitan. ‘Pag nakita mo talaga ‘yung video, parang pinakita talaga sa ‘kin ni Lord kung ano ‘yung itsura ko kung mamamatay ako,” kuwento ni Elle habang nagpagulong-gulong daw siya pababa ng bundok.
Naging life-changing moment daw iyon for Elle: “I think this is Him telling me na I need to appreciate life more. Life-changing talaga, parang it’s a message na binigay talaga sa ‘kin ni Lord.”
- Latest